Gerald Anderson, patuloy umanong sinusuyo si Julia Barretto ayon sa source ni Ogie Diaz
- Muli na namang napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol sa maugong na umano'y hindi pagkakaunawaan nina Julia Barretto at Gerald Anderson
- Ayon sa source ni Ogie, tila sinusuyo pa rin umano ni Gerald kahit tila iba na ang tingin nito sa kanilang relasyon
- Matatandaang minsan nang napabalitang may isa umanong volleyball player ang nali-link kay Gerald
- Gayunpaman, minsan na ring napabulaanan ni Gerald ang balitang hiwalayan subalit tikom pa rin si Julia ukol dito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Usap-usapan na naman sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz ang maugong na umano’y hindi pagkakaunawaan nina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Source: Instagram
Ayon sa source ni Ogie, kahit tila may pagbabago na raw sa nararamdaman ni Julia, patuloy ang panunuyo pa rin umano ni Gerald kahit tila iba na ang tingin nito sa kanilang relasyon.
“Ang daming nagtatanong sa akin niyan hanggang sa may makausap ako, ang sabi ng source ko, hindi sa wala na sila. Ang sabi sa akin, ayaw na ni Julia Barretto. Kumabaga, ayaw na ni Julia sa relasyon,” pagbabahagi ni Ogie.
“Basta yun ang nakarating sa akin. Ibig sabihin ko, kay Gerald meron pa, kay Julia ayaw na.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Hindi ko alam saan nanggagaling ‘yung pag-ayaw ni Julia kay Gerald.”
“Kaya kung mapapansin ko raw sabi ng aking source, tingnan mo, hindi na sila nagkikita. But Gerald is trying to persue Julia.”
“Pumupunta raw si Gerald, kung totoo man ‘to ha, sabi ng aking source, pumupunta raw si Gerald sa bahay ni Julia Pero parang ayaw nang makita ni Julia si Gerald.”
Matatandaang minsan nang na-link si Gerald sa isang volleyball player, bagay na lalo pang nagpasiklab ng intriga. Gayunpaman, minsan na ring itinanggi ng aktor ang isyu ng hiwalayan, habang nananatiling tikom naman ang bibig ni Julia tungkol dito.
Sa kabila ng lahat ng haka-haka, binigyang diin ni Ogie na si Gerald lamang ang makapagsasabi kung may katotohanan nga ba ang usap-usapan tungkol sa isang volleyball player na diumano’y dahilan ng hindi pagkakaunawaan nila ni Julia.
Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa kanyang nobya na si Julia Barreto. Sa kabila ng mga usap-usapang 'cool-off' umano sila, minsan nang pinabulaanan ni Gerald na nag-break na umano sila ni Julia sa isang interview sa kanya ni Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon
Sa isang panayam ni Hayb Anzures para sa vlog na Pareng Hayb Studios, nagbukas ng saloobin si Gerald tungkol sa kanyang relasyon. Inamin niyang naging unfair umano siya sa kanyang partner ang alam niyang kinakailangang bumawi siya rito. Sa kabila umano ng hectic schedule, sinabi ni Gerald na patuloy siyang humahanga kay Julia bilang partner, na inilarawan niyang “maalaga, mapagmahal, at inspirasyon.”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh