Ara Mina, naantig sa ginawa ng anak na si Mandy sa Eastwood Walk of Fame star niya

Ara Mina, naantig sa ginawa ng anak na si Mandy sa Eastwood Walk of Fame star niya

  • Si Ara Mina ay nagpaantig ng mga puso online dahil sa kanyang online post
  • Sa Instagram niya, ibinahagi ni Ara ang pagpunta nila ni Mandy sa Eastwood
  • Nang makita ang star ni Ara sa 'Walk of Fame' ay agad na nagpa-pic si Mandy
  • Ngunit ang ginawa nito matapos ang picture taking ay nagpaantig sa marami

Si Ara Mina, isang kilalang Filipina actress, ay pinaantig ang kanyang mga tagahanga matapos ibahagi ang isang espesyal na sandali kasama ang anak niyang si Amanda "Mandy" Gabrielle.

Ara Mina, naantig sa ginawa ng anak na si Mandy sa Eastwood Walk of Fame star niya
Photos: @itsedsgomakeup, @therealaramina on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang post, makikita ang larawan ni Mandy na nakaupo at nakangiting nagpo-pose sa tabi ng star icon ng kanyang ina sa Eastwood's Walk of Fame. Ngunit higit pa sa litrato, ang nagpaiyak at nagpangiti kay Ara at sa kanyang mga followers — ang nakakaantig na kwento sa likod nito.

Ayon kay Ara, matapos nilang manood ng Alice in Wonderland, napansin ni Mandy na wala nang takip ang pangalan ng kanyang mommy sa Walk of Fame. Dahil dito, agad siyang humiling na magpakuha ng picture. "After Alice in Wonderland, we passed by my star at Eastwood Walk of Fame. @myamandagabrielle goes, 'Mother (yes, that's what she calls me), picture me with your name this time, it’s not covered anymore!'" pagbabahagi ni Ara sa kanyang mga followers online.

Read also

Nakakadurog-puso na video ni Dianne Medina sa burol ng kanyang ama, nagpaantig

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi lamang iyon ang nagpaiyak sa aktres — dahil bago pa man sila magpakuha ng litrato, kusa pang nilinis ni Mandy ang bituin. "She even suddenly wiped it clean first. Moments like this are priceless," dagdag pa ni Ara sa kanyang post na talaga namang ikinatuwa ng maraming fans.

Mabilis na umani ng samu't saring reaksyon ang nakakaantig na tagpo, kung saan maraming netizens ang nag-iwan ng heart emojis at papuri para sa kanilang mag-ina. Para sa marami, ang simpleng kilos ni Mandy ay sumasalamin sa pagmamahal at paggalang niya sa kanyang ina.

Sa simpleng pagkakataong ito, muling naipakita ni Ara Mina na sa kabila ng kanyang tagumpay sa showbiz, ang pinakamahalagang parangal ay ang pagmamahal at suporta ng pamilya niya.

Si Ara Mina ay isang kilalang Filipina aktres, mang-aawit, at negosyante. Sa paglipas ng mga taon, lumabas siya sa maraming pelikula at shows sa telebisyon, at kinilala dahil sa kanyang pagiging versatile sa pag-arte. Isa sa kanyang pinakatampok na tagumpay ay ang pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 2002 Metro Manila Film Festival para sa kanyang papel sa Mano Po. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang negosyante na may ilang negosyo na pinamamahalaan. Sa kanyang personal naman na buhay, ikinasal siya kay Dave Almarinez sa Baguio noong 2021.

Read also

Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Ara Mina ng mensahe para sa kanyang kapatid na si Heidi bilang pagbati sa kaarawan nito, kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel nito sa kanilang pamilya. Nais niya kay Heidi ang mabuting kalusugan, kapayapaan, at pagmamahal. Nag-upload din ang aktres ng ilang larawan mula sa kanilang bakasyon sa beach kasama si Heidi at isa pa nilang kapatid, ang aktres na si Cristine Reyes.

Samantalang umani ng atensyon sa social media si Ara Msina dahil sa kanyang post online. Nag-upload kasisiya ng panibagong serye ng selfies sa kanyang Instagram page. Dito ay ibinahagi niya ang tungkol sa kanyang bagong hairstyle at kung paano ito sumisimbolo ng isang bagong yugto sa buhay. Hindi na nakapagtataka na maraming fans ang namangha sa bagong look, dahilan upang umani siya ng papuri mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco