Nakakadurog-puso na video ni Dianne Medina sa burol ng kanyang ama, nagpaantig

Nakakadurog-puso na video ni Dianne Medina sa burol ng kanyang ama, nagpaantig

  • Si Dianne Medina ay nag-viral kamakailan dahil sa video na kuha sa burol ng ama niya
  • Nitong Saturday, September 13, ibinahagi ni Dianne ang nasabing video sa Instagram niya
  • Ani Dianne, ito na raw ang huling pagkakataon na makikita niya ng pisikal ang kanyang ama
  • Dahil dito, maraming netizens at celebrities and nakiramay sa aktres at sa kanyang pamilya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Dianne Medina ay pinaantig ang puso ng publiko matapos mag-viral ang isang emosyonal na video kung saan makikitang umiiyak siya sa burol ng kanyang ama na si Prisco Tito Medina.

Nakakadurog-puso na video ni Dianne Medina sa burol ng kanyang ama, nagpaantig
Nakakadurog-puso na video ni Dianne Medina sa burol ng kanyang ama, nagpaantig (@dianne_medina)
Source: Instagram

Nitong Saturday, September 13, ibinahagi ni Dianne sa kanyang opisyal na Instagram account ang naturang viral video, kalakip ang isang nakakaantig at nakakaiyak na caption tungkol sa huling pagkakataon na makikita niya nang pisikal ang kanyang ama bago ito tuluyang i-cremate.

Sa video, makikita si Dianne na nakasandal sa kabaong habang umiiyak, kasabay ng kanyang huling pamamaalam sa ama. Kasama niya sa mahirap na sandaling ito ang kanyang asawa na si Rodjun Cruz at ang kanilang anak na si Joaquin, na kapwa nagbibigay ng lakas ng loob sa aktres. "This is the hardest goodbye. Today is the last time I'll see you physically before cremation, but in my heart, you'll live forever. I love you so much, Daddy!" ani Dianne sa kanyang caption sa app.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa napili niyang background music

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming celebrities ang agad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay at mainit na suporta sa comments. Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ng simpatya ay sina Bianca Manalo, Julie Anne San Jose, Alex Gonzaga, Dingdong Dantes, at Alfred Vargas. Marami ring netizens ang hindi napigilang maantig at makisabay sa lungkot ng aktres, lalo na't mabigat ang pinagdadaanan niya.

Matatandaang nag-viral din kamakailan ang kilalang aktres nang ibahagi niya ang mga nakakadurog-puso na tanong ng kanyang anak na si Joaquin habang nasa burol ng kanyang lolo.

Sa kabila ng matinding kalungkutan, ipinakita ni Dianne ang kanyang katatagan bilang anak, asawa, at ina. Marami ang humahanga sa tapang niyang ibahagi sa publiko ang kanyang pinagdaraanan, na nagiging inspirasyon sa mga taong dumaranas din ng parehong pagsubok.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.

Read also

RR Enriquez, concern kay Sanya: “Nakakainis yung doctor mo, nilaro ka”

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagluluksa si Dianne Medina sa pagpanaw ng kanyang ama. Sa Instagram, ibinahagi ni Dianne ang pagpanaw ng ama niya na si Prisco Medina. Aniya Dianne, pumanaw ito noong September 5 sa edad na 71. Dahil dito, marami ang nakiramay kay Dianne, at pati na rin sa kanilang pamilya sa gitna ng balita.

Samantalang ay super proud talaga sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa kanilang panganay. Kamakailan ay ibinahagi ng dalawa ang pagsisimula ng kinder journey ni Joaquin. Papasok lamang si Joaquin sa Ateneo de Manila University na hinahangaan ng marami. Aniya Rodjun, super saya at happy daw talaga nila para kay Joaquin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco