Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde

Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde

  • Dalawang araw matapos ipagtanggol ni Maine Mendoza ang asawa niyang si Arjo Atayde, muling naglabas ng pahayag ang aktres at TV host upang igiit na haharapin nila ang mga akusasyon sa tamang paraan
  • Sa kanyang Facebook post noong Setyembre 10, binigyang-diin niya na hindi sila kailanman umasa sa pera ng bayan dahil lahat ng kanilang pinundar ay mula sa matagal na pagtatrabaho at tamang pag-iipon
  • Mariin niyang itinanggi na si Atayde ay sangkot sa anumang anomalya at sinabing hindi niya kailanman ipagtatanggol ang asawa kung ito ay tunay na nagkasala
  • Nanawagan si Mendoza ng patas na pagdinig, pinaalalahanan ang publiko na mayroong tatlong panig ang bawat kuwento: ang kanila, ang akusasyon, at ang katotohanan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling nagsalita si Maine Mendoza upang ipagtanggol ang asawa niyang si Arjo Atayde laban sa mga alegasyon na iniuugnay sa kanila ng mga contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde
Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde (đź“·Maine Mendoza/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang mahabang post sa Facebook nitong Miyerkules, Setyembre 10, iginiit ni Mendoza na hindi sila kailanman nakinabang sa pera ng taumbayan at nakahanda silang lumaban sa pamamagitan ng legal na proseso.

Read also

Bela Padilla, hindi sumasang-ayon sa ideolohiya ni Sen. Robin Padilla

“I know it may be wiser to stay silent while the investigation is ongoing, but I cannot let my last tweet be my only statement,” panimula ni Mendoza. Aniya, bagama’t masakit ang mga mapanirang salita na kanilang natanggap, hindi niya hahayaang manaig ang kasinungalingan laban sa kanila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binanggit din ng aktres na “not a single part of our life has been built on taxpayers’ money” at idiniin na lahat ng kanilang ari-arian at ipon ay mula sa kanilang matagal na pagtatrabaho at hindi sa pulitika. “We pay our taxes, and we pay them truthfully, because we respect the same system we are accused of betraying,” dagdag pa niya.

Tungkol naman sa mga paratang na umano’y nakinabang si Atayde sa mga proyekto, mariin itong itinanggi ni Mendoza. “I will never accept the narrative that accuses us of stealing and living off taxpayers’ money. That is not who Arjo is, that is not who I am, and that is not who we are,” wika niya. Idinagdag pa niyang kung talagang may sala si Atayde, hindi niya ito ipagtatanggol kailanman.

Read also

Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials

Tinukoy din ni Mendoza ang mga kumakalat na larawan ni Atayde kasama ang Discayas, na aniya ay kinuha sa maling konteksto. “Perception is not always reality. Narratives can be twisted so easily, and many are quick to believe what fits their perspective,” saad niya.

Sa huli, nagbigay-babala si Mendoza na handa silang magsampa ng kaso upang linisin ang pangalan ng kanyang asawa. “Legal actions will be taken, and Arjo will clear his name by proving his innocence. Let’s allow due process to run its course before we condemn,” aniya. Dagdag pa niya, hindi lahat ng politiko ay tiwali, at maling pagbuntunan ng galit ang mga taong walang sala.

Si Maine Mendoza ay isang TV host, aktres, at social media personality na unang sumikat bilang “Yaya Dub” sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Noong 2022, ikinasal siya kay Arjo Atayde, isang aktor na ngayon ay nagsisilbi ring kongresista. Kilala si Arjo bilang mahusay na artista at aktibong lingkod-bayan, ngunit nitong mga nakaraang linggo, nasangkot siya sa kontrobersiya kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Read also

Mag-asawa, kinulong umano ang anak sa banyo at ikinadena sa tabi ng inidoro sa loob ng 6 na taon

Kamakailan ay naglabas ng matapang na pahayag si Maine Mendoza matapos lumabas ang akusasyon ng mga Discaya laban kay Arjo Atayde. Sa kanyang post, iginiit niyang hindi patas ang biglaang pagbato ng paratang nang walang matibay na ebidensiya. Para kay Maine, nakasasakit ang hatol ng publiko lalo na’t buo ang kanilang tiwala na lilitaw ang katotohanan.

Sa isa pang update, kinlaro ni Maine Mendoza na hindi nagtatago ang kanyang asawa sa gitna ng mga akusasyon. Giit niya, nananatiling bukas si Arjo sa imbestigasyon at handang patunayan ang kanyang kawalang-sala. Binanggit din ni Maine na bagama’t nakakapagod at nakaka-stress ang sitwasyon, nananatili silang matatag at nagtitiwala sa proseso ng hustisya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate