Jon Lucas, pinuri ang delivery men na nagsauli ng kanyang wallet

Jon Lucas, pinuri ang delivery men na nagsauli ng kanyang wallet

  • Nawala ang wallet ni Jon Lucas habang nagdadala ng anak sa gitna ng malakas na ulan
  • Nataranta ang aktor nang mapansing nawawala ito dahil dala nito ang lisensya, ATM card, at pera
  • Isang grupo ng delivery men ang nakakita at nagbalik ng wallet na buo at walang kulang
  • Nagpasalamat si Lucas at sinabing nagpapaalala ang karanasan na may mabubuting tao pa rin sa mundo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpasalamat ang aktor na si Jon Lucas sa mga delivery men na tapat na nagsauli ng kanyang nawalang wallet, isang pangyayari na nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa sa kabutihan ng tao.

Jon Lucas, pinuri ang delivery men na nagsauli ng kanyang wallet
Jon Lucas, pinuri ang delivery men na nagsauli ng kanyang wallet (📷@lucas_aljhon/Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, Setyembre 10, ikinuwento ng aktor ang hindi inaasahang sitwasyong pinagdaanan niya habang kasama ang kanyang mga anak.

Ayon kay Lucas, nawala ang kanyang wallet nang ihatid niya ang kanyang mga anak sa gitna ng malakas na ulan. “Naghatid sa panganay, after 1 hour si bunso naman.

Read also

Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials

Ayun, malakas ang ulan kanina kaya buhat-buhat si bunso habang hawak yung malaking payong papasok ng sasakyan. Doon na siguro lumusot wallet ko. Nung naka-park na kami sa Happy 11 para bumili ng kapote ng mga bata, doon ko na na-realize na nawawala wallet ko,” pagbabahagi ng aktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Panik na agad ang naramdaman ng “Got to Believe” star nang mapansing wala na ang kanyang wallet. Bukod sa perang nasa loob nito, mahalaga rin para sa kanya ang lisensya at mga cards na dala-dala. “Super nataranta na ako at hindi talaga ako magdadrive hanggang hindi nakikita ‘yon kasi nandon lisensya ko,” aniya.

Ngunit matapos ang ilang minutong pag-aalala, tumawag ang asawa ni Lucas at ibinalita ang magandang balita: may nakapulot ng wallet at ibinalik ito ng buo.

“After 10 mins ng paghahanap, biglang nag-message kay misis sila kuya na nagde-deliver ng mineral water sa street namin. Sila nga raw ang nakakita ng wallet ko na may lamang 1K, lisensya, isang ATM card, at RFID. Walang labis!! Walang kulang!!” dagdag pa ng aktor.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa napili niyang background music

Hindi maitago ni Lucas ang kanyang labis na pasasalamat sa mga taong nagsauli ng kanyang wallet. Para sa kanya, nagpapaalala ito na sa kabila ng maraming negatibong nangyayari sa mundo, nananatiling may mga taong handang gumawa ng tama.

“Maraming salamat sa inyo!!! Bawi ako sa inyo kapag nakaahon na rin. Itong kapabayaan ko ang nagpapaalala sa akin na kahit sobrang sama na ng mga nangyayari sa mundo, meron at marami pa ring mabubuting tao,” pagtatapos ni Lucas sa kanyang post.

Si Jon Lucas ay unang nakilala bilang bahagi ng Star Magic Circle Batch 2013 ng ABS-CBN. Isa siya sa mga young actors na agad na nagkaroon ng mga proyekto sa telebisyon, kabilang ang sikat na serye na Got to Believe.

Makalipas ang ilang taon, lumipat siya sa GMA Network kung saan nagpatuloy ang kanyang karera sa mga palabas tulad ng Black Rider, Lolong: Bayani ng Bayan, at Encantadia Chronicles: Sang’gre. Sa kabila ng mga hamon, patuloy niyang pinapatunayan ang kanyang dedikasyon bilang aktor at bilang ama sa kanyang pamilya.

Read also

RR Enriquez, concern kay Sanya: “Nakakainis yung doctor mo, nilaro ka”

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Jon Lucas ang isang masakit na yugto sa kanyang buhay matapos pumanaw ang kanyang ama. Sa kanyang emosyonal na post, ipinahayag niya ang pagmamahal at pangungulila sa kanyang yumaong ama. Aniya, “I love you Daddy.” Ang pagkawala ng kanyang ama ay isang mabigat na dagok para sa aktor na kilala sa pagiging malapit sa kanyang pamilya.

Sa isa pang pagkakataon, naging emosyonal si Jon Lucas nang sorpresahin siya ng kanyang asawa ng isang kotse. Ang regalo ay simbolo ng suporta at pagmamahalan ng kanyang pamilya, lalo na sa mga panahong pinagdadaanan niya ang matitinding hamon. Ayon kay Lucas, labis ang kanyang pasasalamat at hindi niya inaasahan ang sorpresa mula sa kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate