RR Enriquez, hindi kinaya ang napansin ni Mariel Padilla sa video niya
- Si RR Enriquez ay talagang naaliw dahil sa iniwang komento ni Mariel Padilla
- Kamakailan ay nag-post si RR ng video niya habang nasa Rejuva Aesthetics
- Makikita sa video na tila may ini-inject sa tiyan ni RR na kanyang ipinaliwanag
- Ngunit, talagang natawa si RR dahil tila may ibang napansin si Mariel sa video
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si RR Enriquez, isang kilalang internet personality, ay talagang naaliw dahil sa iniwang komento ni Mariel Padilla sa kanyang panibagong video. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni RR ang isang video kung saan siya ay sumasailalim sa bagong anti-aging procedure sa Rejuva Aesthetics.

Source: Instagram
Sa video, makikita si RR na nakahiga sa isang reclined chair habang hinihintay ang medical staff na magbigay ng injection sa kanyang tiyan. Kasama ng post, nagbiro pa siya tungkol sa magiging epekto ng treatment na ito, "First time to try NADm the new anti anti aging meds. Energy booster here in @rejuvaaestheticslasercenter. Ewan ko na lang kung hindi pa ako magmukhang FETUS."
Ngunit ang talagang nagpaaliw ng marami sa post ay nang pumasok sa eksena ang komento ni Mariel Padilla. Aniya kasi ni Mariel, tila nahirapan daw ata ang medical staff na i-pinch ang taba sa tiyan ni RR bago siya bigyan ng injection. Dahil dito, nagbiro si Mariel sa comment section: "R, parang nahirapan siya mag-pinch ng taba sa tiyan mo, ahahahahaha, walang fat kasi hehe."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi napigilan ni RR na matawa sa obserbasyon ni Mariel. Agad siyang nag-reply at inamin na muli niyang pinanood ang video para lang makita ang tinutukoy nito. "Bwahahahaha potek! Tawang tawa ako! And you’re absolutely right, inulit ko pa panoorin ang video," sagot ni RR.
Dahil dito, maraming netizens ang naaliw sa palitan ng dalawang kilalang Pinay celebrities.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si RR Enriquez ay isang Filipina dancer, model, at TV personality na unang nakilala bilang isa sa mga dancers sa programang Wowowee ng ABS-CBN. Dahil sa kanyang energetic na presensya at magandang personalidad, agad siyang napansin ng mga manonood at naging isa sa mga tanyag na 'Wowowee Girls.' Bukod sa kanyang showbiz career, kilala rin si RR Enriquez bilang outspoken at prangka sa social media. Madalas niyang ibahagi ang kanyang opinyon sa iba't ibang isyu, mapa-showbiz man o personal, na minsan ay nagiging viral at napag-uusapan ng publiko.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay umapela na sa publiko si RR Enriquez kamakailan dahil sa komento ng ilang followers niya. Sa Instagram, ibinahagi ni RR ang mga komento na kanyang natatanggap lately. Ito ay may kinalaman sa kanya at pati kay Jayjay Helterbrand, dating PBA player. Aniya RR sa kanyang post, "I know y'all have the right na sumawsaw sa love life ko."
Samantalang ay nagbigay ng opinyon si RR Enriquez tungkol sa emotional outburst ni Dennis Padilla. Matatandaang nag-viral si Dennis matapos niyang ikwento ang kanyang naramdaman bilang isang "guest" sa isang kasalan. Ang kasal na ito ay walang iba kundi ang araw ng kanyang anak na si Claudia Barretto kasama si Basti Lorenzo. Gayunpaman, sa Instagram, ibinahagi ni RR ang kanyang tapat na saloobin tungkol sa alitan at sitwasyon ni Dennis sa kanyang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh