Mikael Daez, kinailangan operahan dahil sa kanyang "first major injury"
- Si Mikael Daez ay nakaranas ng "first major injury" niya na kinailangan pang operahan
- Sa official Instagram page niya, ibinahagi ni Mikael kung ano ang nangyari sa kanya
- Aniya Mikael, ito raw ang "scariest" na injury niya na may kinalaman sa basketball
- Gayunpaman, hinahangad ni Mikael ang gumaling at makapaglakad ng normal agad
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Mikael Daez, isang aktor, ay dumaan sa isang mahirap na pagsubok matapos niyang maranasan ang kanyang tinawag na "first major injury" na kinailangan pang operahan. Sa Instagram, ibinahagi ni Mikael ang isang video kung saan makikitang naglalaro siya ng basketball at biglang bumagsak na lamang matapos mag-shoot at mag-landing sa sahig.

Source: Instagram
"You might be wondering how I got here, well this happened. As I landed on my foot, it felt like someone stepped on my heel, but that was just my little tendon, splitting apart," pahayag niya.
Sa caption ng post, ikinuwento ni Mikael na nag-rupture ang kanyang Achilles tendon, "First major injury, first surgery. A few weeks ago, I ruptured my achilles tendon... possibly the scariest basketball-related injury I could imagine. But at this point in my life, I guess we take whatever curveballs life throws at us," saad niya sa caption ng kanyang viral online post sa photo app.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa pagbabahagi ng sitwasyon, sinabi rin ni Mikael na ang kanyang pangunahing layunin ngayon ay ang makabalik sa normal na paglalakad upang mas matulungan ang kanyang asawa, si Megan Young, sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Leon, "My first goal is just to get back to walking normally so I can help Mama Bonez take care of Leon. Then, over the long run, I can re-learn how to run and jump alongside my son. From what I've gathered, it's going to be a very long road to recovery but I'm always up for a challenge. P.S., moving around in crutches is tough."
Maraming netizens ang agad na nagpahayag ng kanilang suporta at pag-aalala para sa aktor.
Sa ngayon, patuloy ang recovery journey ni Mikael at aminado siyang mahaba at mahirap ang landas na tatahakin. Gayunpaman, dala niya ang determinasyon at inspirasyon para gumaling.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Mikael Daez ay isang sikat na Filipino personality na nakilala bilang aktor, modelo, television host, at vlogger. Nagsimula siya bilang modelo bago pumasok sa pag-arte sa show business, at nakilala nang husto sa kanyang pagganap bilang Lumad sa Amaya kasama si Marian Rivera. Mula noon, lumabas na siya sa iba't ibang teleserye tulad ng Love of My Life at Royal Blood. Sa kanyang personal na buhay, pinakasalan niya si Megan Young, at kalaunan ay ipinanganak nila ang kanilang unang anak noong 2025, na labis na ikinatuwa ng kanilang mga fans at followers.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Mikael Daez ng isang video kung saan makikita silang mag-asawa ni Megan Young na sumasayaw ng 3 AM habang sinusubukang patulugin ang kanilang newborn. Kinumpirma ni Mikael ang walang tulugang realidad ng pagkakaroon ng baby at inilarawan ito bilang mahirap ngunit masaya. Ayon kay Mikael, nakatulong din sa kanila ang karanasan sa mahahabang oras ng taping bilang paghahanda sa pagiging first-time parents.
Samantalang ay muling kinagiliwan ni Mikael Daez ang kanyang mga tagasubaybay sa social media dahil sa kanyang bagong post. Sa Instagram page niya, nag-upload si Mikael ng video na nagpapakita ng kwento ng panganganak ni Megan Young. Ibinahagi ng mag-asawa ang ilang candid moments bago dumating si Baby Daez. Hindi na nakapagtataka na umani ang video na ito ng mga positibong komento mula sa kanilang mga followers sa naturang photo-sharing app.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh