RR Enriquez, concern kay Sanya: “Nakakainis yung doctor mo, nilaro ka”
- Nagbigay ng matapang na komento si RR Enriquez tungkol sa umano’y ilong ni Sanya Lopez
- Ayon kay RR, “Nakakainis yung doktor mo. Nilaro ka,” kalakip ng kanyang video post kay Sanya
- Naungkat muli ang isyu ng pagpaparetoke na ilang beses nang naiuugnay kay Sanya
- Maraming netizens ang nakapansin sa tila pagbabago ng hitsura ng aktres sa kanyang recent photo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muli na namang naging usap-usapan ang Kapuso star na si Sanya Lopez matapos magbigay ng direktang pahayag si RR Enriquez tungkol sa umano’y pagbabago sa itsura ng kanyang ilong.

Source: Instagram
Sa isang video clip na ibinahagi ni RR, makikita si Sanya at kalakip nito ang matapang na mensahe: “Sanya utang na loob. Ipaulit mo ang nose mo. Hindi pantay. Hindi yan panlalait. Concern ako. Nakakainis yung doktor mo. Nilaro ka.”

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang matagal nang nadadawit ang pangalan ni Sanya sa usaping cosmetic enhancements, partikular na sa kanyang ilong. Sa isang panayam noon, dinepensahan ng aktres ang mga celebrity na pinipiling mag-undergo ng aesthetic procedures. Aniya, wala raw siyang nakikitang mali sa pagpapaganda lalo na kung kaya naman ng isang tao at hindi nakakasama sa iba. “Kung makakaganda ba o makakagaan ng pakiramdam sa isang tao ang magpa-enhance, G raw siya rito,” ayon kay Sanya.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi pa siya sumasailalim sa cosmetic surgery o bre4st augmentation. Tanging dental enhancement lamang daw ang kanyang pinagawa noon.
Ngunit sa kanyang pinakabagong viral photo, tila iba ang napansin ng publiko. Ilan sa mga kibitzers ang nagsabi ng: “Nag-iba ilong niya,” “Tabingi nga,” at “Parang nagpaayos ulit siya ng nose.” May iba ring nagsabing, “Maganda pa rin naman,” ngunit hindi na naiwasan ang mga tanong tungkol sa tunay na estado ng kanyang ilong.
Isa pang netizen ang nagkomento: “Nabother ako nakaka-OC ung ilong. Gusto ko ayusin hahahah.” Habang ang iba naman ay nagsabing mas halata na raw ang pagbabago kumpara sa kanyang dating mga larawan.
Sa ngayon, nananatiling tikom si Sanya at hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa isyu. Hindi ito ang unang pagkakataon na nabatikos siya sa parehong paksa, kaya’t marami ang nagtutulak na huwag na lang palakihin ang usapin.
Samantala, umani rin ng sari-saring reaksiyon ang naging patutsada ni RR Enriquez. Kilala si RR sa pagiging prangka at walang takot na magbigay ng komento sa mga bagay na napapansin niya sa mundo ng showbiz. Para sa kanya, ang kanyang sinabi ay hindi panlalait kundi pagpapakita ng concern kay Sanya.
Si Sanya Lopez ay kilala bilang isa sa mga prominenteng aktres ng Kapuso network. Una siyang nakilala bilang kapatid ni Jak Roberto ngunit agad ring nagmarka ang kanyang sariling pangalan sa showbiz sa pamamagitan ng mga serye at pelikula. Bukod sa kanyang talento sa pag-arte, siya rin ay naging hot topic sa social media dahil sa kanyang physical transformation at mga kontrobersiyang kinasangkutan.
Kamakailan lamang, nag-share si Sanya ng isang cryptic post sa kanyang IG story na agad ding nagdulot ng spekulasyon mula sa kanyang fans. Sa ulat ng KAMI, maraming netizens ang nagtanong kung may pinagdadaanan ba ang aktres o kung ito ba ay may kaugnayan sa personal niyang buhay. Sa kabila nito, hindi nagbigay ng malinaw na paliwanag si Sanya tungkol sa tunay na ibig sabihin ng kanyang post.
Bukod dito, naging highlight din ang kanyang post-birthday celebration kung saan ginanap ang isang bonggang party. Ayon sa KAMI, dinaluhan ito ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, at naging masaya at makabuluhan ang selebrasyon. Marami ang humanga sa kanyang gratitude post kung saan pinasalamatan niya ang mga taong naging bahagi ng kanyang espesyal na araw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh