Arjo Atayde, ipinaliwanag kung bakit may mga larawan siya kasama ang mga Discaya
- Lumabas muli ang litrato ni Rep. Arjo Atayde kasama ang mga contractor na sina Sarah at Curlee Discaya
- Ayon kay Atayde, simpleng pagbati at picture-taking lang ito noong 2022 at hindi planadong meeting
- Mariin niyang itinanggi ang paratang ng Discayas na sangkot siya sa korapsyon sa flood control projects
- Maine Mendoza, asawa ni Atayde, ipinagtanggol siya at nanawagan na huwag husgahan nang walang malinaw na ebidensya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Nagbigay ng paliwanag si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde tungkol sa lumabas na litrato niya kasama sina Sarah at Curlee Discaya, mga contractor na nasasangkot sa flood control mess.
Ayon kay Atayde, nangyari ang picture-taking noong 2022 sa kanyang opisina sa distrito. Ani niya, simpleng pagbati lang iyon at hindi planadong pagpupulong.
Dagdag pa niya, iyon ang una at huling beses na nakasalamuha niya ang mga Discaya. Wala raw napag-usapan tungkol sa proyekto at hindi rin siya kailanman nakipagtransaksyon sa kanila.
Nitong nakaraang Senate Blue Ribbon Committee Hearing, idiniin ni Curlee Discaya na ilang opisyal ng DPWH at kongresista ang sangkot umano sa anomalya sa bidding ng flood control projects.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinabi niya na may kickback na 10% hanggang 25% kapalit ng pagpapatuloy ng kontrata. Mariin naman itong itinanggi ni Atayde sa kanyang social media post.
Giit niya, hindi totoo ang mga akusasyon at hindi niya ginamit ang kanyang posisyon para sa pansariling interes.
Nangako siyang gagamitin ang lahat ng legal na paraan para linisin ang kanyang pangalan.
Pumagitna rin ang kanyang asawa na si Maine Mendoza at hiniling sa publiko na huwag basta magparatang at magbitaw ng masasakit na salita laban sa kanilang pamilya.
Dagdag pa ni Maine, mula pa noong simula ay nagsisikap nang tapat si Arjo para sa kanyang distrito at umaasa siyang mapapanagot ang tunay na may sala.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Si Sarah Discaya ay isang Filipina negosyante, pilantropo, at political figure na kasalukuyang Chief Financial Officer ng St. Gerrard Construction and Development Corporation. Kilala siya sa kanyang mga gawaing kawanggawa tulad ng medical missions at mga programang pangkalinga, kung saan nakilala siya sa pagsuporta sa kalusugan, edukasyon, mga solo parent, at senior citizens. Noong 2025, tumakbo siya bilang alkalde ng Pasig City na may platapormang gawing isang “smart city” ang lungsod sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan, digital connectivity, at modernong sistema, ngunit natalo siya kay incumbent Mayor Vico Sotto. Sa kabila ng pagkatalo, nananatili siyang kinikilala dahil sa kanyang pamumuno, pagkakawanggawa, at adbokasiya para sa pagpapalakas ng komunidad.
Sa isang ulat ng KAMI, iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang humigit-kumulang 40 luxury cars na konektado sa pamilya ni Sarah Discaya. Nagsimula ito matapos ang isang viral interview kung saan ipinakita ni Discaya ang kanilang koleksyon ng mga mamahaling sasakyan. Susuriin ng BOC ang consignee ng mga sasakyan upang alamin kung may paglabag sa kanilang importasyon. Konektado rin si Discaya sa mga kontraktor ng flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado.
Bukod dito, nag-post kamakailan si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Instagram account kung saan nakapose siya sa harap ng isang magarang palasyo habang nasa Disneyland. Ginawa rin niya itong biro kaugnay ng isyung kinasasangkutan niya. Sa unang bahagi ng kanyang post, isinulat niya ang “My P10 Million Palace,” na may kaugnayan umano sa mga alegasyong ibinabato sa kanya ni Mayor Vico Sotto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh