Ogie Diaz, nausisa ang GF ni Ryan Bang: "Si Paola ay tinext ko pero hindi ako sinagot"

Ogie Diaz, nausisa ang GF ni Ryan Bang: "Si Paola ay tinext ko pero hindi ako sinagot"

  • Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano'y pagkawala ng mga larawan ni Ryan Bang sa IG post ni Paola Huyong
  • Ani Ogie malapit sa kanya ang dalawa kaya sinubukan niyang usisain si Paola
  • Matatandaang engaged na sina Ryan at Paolo at nakatakdang ikasal sa susunod na taon.
  • Samantala, sa socmed naman ni Ryan, naroon pa rin ang kanyang mga post kung saan kasama nito si Paola

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tampok sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz ang bagong usapin tungkol kina Ryan Bang at Paola Huyong, matapos mapansin ng ilang netizens ang umano’y pagkawala ng mga larawan ni Ryan sa Instagram feed ni Paola.

Ogie Diaz, nausisa ang GF ni Ryan Bang: "Si Paola ay tinext ko pero hindi ako sinagot"
Ryan and Paola (@ryanbang)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, na malapit umano sa dalawa, agad niyang sinubukan usisain si Paola hinggil sa isyu. “Sobrang lapit sa’kin ng dalawang ‘yan,” ani Ogie. Dagdag pa niya, posibleng in-archive lamang ni Paola ang mga larawan, subalit hindi rin matiyak kung ito ay tuluyan nang dinelete.

Read also

Sen. Kiko Pangilinan, kinuwestiyon ang sworn statement ng Discaya couple

Matatandaang engaged na ang dalawa at nakatakda nang ikasal sa susunod na taon. Sa kabila nito, kapansin-pansin umano ang ilang pagbabago. “May nakapansin nga sa episode ng It’s Showtime last Saturday, makikita raw sa mata ni Ryan ang lungkot. Kahit pinipilit pa niyang maging professional sa kanyang hosting, halata pa rin daw,” pagbabahagi ni Ogie.

Samantala, nananatili pa rin ang mga larawan ni Paola sa social media account ni Ryan, taliwas sa umano’y pagkakaalis sa feed ng dalaga. Ayon pa kay Ogie, sinubukan niyang makipag-ugnayan kay Paola ngunit hindi ito nagbigay ng tugon. “Iginagalang natin ‘yun. Baka kasi si Paola ay nandun pa sa estado na malungkot pa. Tapos parang inaaral pa ang mga sitwasyon,” aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ngayon, nananatiling palaisipan para sa mga tagahanga at netizens ang tunay na kalagayan ng relasyon nina Ryan at Paola, lalo’t malapit na ang kanilang nakatakdang kasal.

Si Ryan Bang (Bang Hyun-sung) ay isang tanyag na South Korean TV host, komedyante, at aktor na matagal nang aktibo sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula siyang makilala matapos maging runner-up sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010 at simula noon ay naging regular host sa It’s Showtime. Noong Hunyo 2024, nag-propose siya ng kasal sa kanyang kasintahan na si Paola Huyong, isang non-showbiz personality, na buong puso namang tinanggap ang kanyang alok.

Read also

Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors

Ilang buwan lamang matapos ang masayang anunsyo ng kanilang engagement, nagsimula nang magtanong ang publiko kung tila ba napurnada ang “happily ever after” ng magkasintahan. Uminit ang mga usapan nang mapansin ng mga matyagang tagasubaybay sa Instagram account ni Paola Huyong ang isang malaking pagbabago: lahat ng engagement photos na dati’y ipinagmamalaki niyang ipinost ay bigla na lang nawala. Ang biglaang pagkawala ng mga larawan ay nagdulot ng matinding intriga sa online community na masigasig na sinusubaybayan ang love story ng dalawa. Dagdag pa rito, napansin din ng mga netizen na sa isang video na in-upload ni Paola noong Agosto 27, wala siyang suot na engagement ring.

Para sa marami, malinaw na palatandaan ito ng posibleng problema. Ang magkasintahan na dati’y tila patungo na sa kasal ay naging inspirasyon ng marami dahil sa kanilang kuwento ng pag-ibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica