Korina Sanchez, nagsalita matapos mag-viral muli ang interview niya kay Sylvia Sanchez
- Lumutang muli ang 2022 interview ni Korina Sanchez kay Sylvia Sanchez sa Net 25 matapos masangkot si Arjo Atayde sa flood control controversy
- Sa viral clip, ipinakita ang beachfront resort, yacht, at jet ski ng pamilya Sanchez
- Netizens nagbansag kay Korina bilang “St. of Exposé” matapos ulanin ng komento ang kanyang Instagram account
- Korina sagot: “Kailangan naman ng katibayan muna bago tayo maniwala”
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umiingay ngayon sa social media ang lumang panayam ni Korina Sanchez sa aktres na si Sylvia Sanchez, matapos muling mabanggit ang pangalan ng anak nitong si Arjo Atayde sa kontrobersyal na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Source: Instagram
Si Arjo, kasalukuyang kinatawan ng Quezon City first district, ay isa sa mga pulitikong pinangalanan ni Curlee Discaya na umano’y sangkot sa mga anomalous flood control projects na nagkakahalaga ng milyun-milyon hanggang bilyon. Mariin itong itinanggi ni Arjo at sinabing wala siyang anumang transaksiyon sa mag-asawang Discaya.
Kasunod ng isyu, ilang netizens ang bumisita sa Instagram account ni Korina at muling binuhay ang kanyang lifestyle interview kay Sylvia para sa Korina Interviews na ipinalabas sa Net 25 noong Setyembre 2022. Sa kumalat na edited clip, makikita si Korina na sakay ng yacht habang dumating si Sylvia sakay ng jet ski, kasama ang pagpapakita ng kanilang beachfront resort at iba pang ari-arian.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang video ay tinaguriang “Korina strikes again,” matapos ding sumabog online ang kontrobersyal na panayam ng broadcaster sa Discaya couple na sangkot din sa parehong isyu. Hindi na mapanood sa YouTube ang full version ng Sylvia Sanchez feature, pero laganap na ang kopya nito sa iba’t ibang social media platforms.
Ilan sa mga reaksyon ng netizens ay tila ginawang “resibo” ang video. Komento ng isa, “Ma’am Korina St. of Exposé.” Sinang-ayunan pa ito ng iba na nagsabing, “Exposé, yey love it” at “You’re the real hero madam dahil sayo daming nabunyag.” Mayroon ding nagsabing: “Korina salamat na-feature mo pala sa Rated K (just like the Discayas) ang mga Ataydes. May proof ulet sa nakaw na yaman nila DIUMANO.”
Gayunpaman, iginiit ni Korina na lifestyle feature ang anggulo ng kanyang panayam at hindi ito maaaring ituring na exposé. Tugon niya sa komento ng mga netizens: “Kailangan naman ng katibayan muna bago tayo maniwala.”
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nadawit si Korina sa naturang kontrobersya. Nitong mga nakaraang buwan, ipinahiwatig ni Pasig City Mayor Vico Sotto na may ilang broadcasters na umano’y nakatanggap ng milyon-milyong halaga para ipakita ang “rags-to-riches” story ng mga Discaya. Binanggit ni Mayor Vico sa kanyang post ang interviews nina Korina at Julius Babao. Mariin namang itinanggi nina Korina at Julius ang mga paratang.
Kasabay nito, lalo pang lumakas ang hinala ng ilang netizens nang kumalat din ang video clip ng hiwalay na panayam ni Karen Davila kay Sylvia nitong Marso 2025, kung saan ipinakita ng aktres ang kanyang ipinapatayong six-bedroom Mediterranean-style house. Para sa iba, nagmumukhang serye ng lifestyle interviews na nagiging “unintended exposés” sa oras na lumitaw ang mga isyu laban sa mga personalidad.
Si Korina Sanchez ay isa sa pinakakilalang broadcast journalists sa bansa, kilala sa kanyang matagal na stint bilang anchor ng TV Patrol at bilang host ng Rated K. Sa mga nakaraang taon, lumipat siya sa iba’t ibang platforms tulad ng Net 25 at social media, kung saan patuloy siyang gumagawa ng lifestyle at human interest features.
Samantala, si Sylvia Sanchez ay isang beteranang aktres na nakilala sa kanyang mga dramatic roles at pagiging hands-on na ina sa kanyang pamilya. Bukod sa kanyang showbiz career, madalas siyang ibinabahagi sa media bilang isang mapagmahal na ina kay Arjo Atayde at sa kanyang mga anak.
Kamakailan, ipinahayag ni Sylvia ang kanyang emosyonal na pagbati para sa anak na si Ria at asawang si Zanjoe Marudo sa kanilang wedding anniversary. Sa kanyang mensahe, ipinakita ni Sylvia ang pagmamahal at suporta para sa bagong yugto ng buhay ng kanyang anak. Ang simpleng pagbati ay hinangaan ng mga netizens dahil sa pagiging totoo at taos-puso ng aktres.
Lubos na ipinagdiwang ni Sylvia ang pagkapanalo muli ng kanyang anak na si Arjo bilang kinatawan ng Quezon City first district. Ayon sa kanya, “Pilit pinabagsak pero ‘di kinaya,” sabay papuri sa determinasyon ng anak. Maraming followers ang natuwa sa ipinakitang suporta ng aktres para sa anak niyang pulitiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh