Reaksyon ni Philmar Alipayo sa panti-trip ni Andi Eigenmann sa kanya, viral

Reaksyon ni Philmar Alipayo sa panti-trip ni Andi Eigenmann sa kanya, viral

  • Inaliw ni Andi Eigenmann ang ilang netizens sa bago niyang post
  • Sa Instagram na app, nag-post kasi si Andi ng isang cooking video
  • Sa video ay ipinakita rin ni Andi ang reaksyon ni Philmar Alipayo
  • Ngunit nang siya ay kakain na, tila napagtrip-an ni Andi si Philmar

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Andi Eigenmann, isang Filipina former actress, ay naging usap-usapan online matapos magbahagi ng isang nakakaaliw na video kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.

Reaksyon ni Philmar Alipayo sa panti-trip ni Andi Eigenmann sa kanya, viral
Reaksyon ni Philmar Alipayo sa panti-trip ni Andi Eigenmann sa kanya, viral (@andieigengirl)
Source: Instagram

Noong Tuesday, September 9, nag-post si Andi sa Instagram kung saan ipinakita niya kung paano niya inihanda ang isa sa kanilang paboritong dish — ang Salted Egg Salad. Ayon sa actress-turned-island momma, isa ito sa mga pinaka-paborito nilang kainin sa bahay. "Salted Egg Salad using pechay and kalamunggay with a honeymansi dressing. Our faveee Pinoy vibes salad to have at home. Can have as is or as a side with our usual fish sod-an," aniya Andi sa viral post.

Read also

Mensahe ni Donnalyn Bartolome para sa kaarawan ni JM de Guzman, viral

Hindi lang simpleng recipe ang ibinahagi ng aktres dahil nagbigay din siya ng ilang tips tungkol sa pagkaing ito. "Yes, pechay can be enjoyed raw. A great way to get in that Vit C boost! Cause that goes away when you cook it. Also some fiber, and it adds great texture too. Just don't forget to washhh your produce!" say niya sa caption, bagay na pinuri ng ilang netizens sa comments.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa nga ni Andi, hilig niyang isama ang kalamunggay o malunggay sa halos lahat ng niluluto niya sa isla, "And yes I add kalamunggay malunggay moringa leaves to everything because why not?! It's a great source of protein and it grows everywhere in our yard so it's free!"

Ngunit higit na kinagiliwan ng mga netizens ang naging interaction nila ni Philmar. Sa video, makikitang gustong kumain ni Philmar mula sa salad na hawak ni Andi. Nung una ay inalok ito ng aktres, ngunit bigla niya ring inurong ang kamay niya bilang biro, dahilan para titigan siya ni Philmar. Sa huli, hindi na nagpaligoy-ligoy si Philmar at hinawakan ang kamay ni Andi upang makakuha ng malaking kagat mula sa salad, na nagdulot ng malakas na tawa mula sa kanya.

Read also

Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"

Samantala, sa comments section, marami ang natuwa at humanga kay Andi dahil sa paggamit niya ng simpleng mga sangkap na madaling hanapin at bilhin, bagay na ikinatuwa ng ilan.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay ng paalala si Andi Eigenmann kamakailan lang sa kanilang customers. Ni-repost kasi ng dating aktres ang photo story ni @lagumlifestyle sa Instagram. Photo kasi ito ng ilang cups mula sa kanyang cafe and surf shop business sa isla. Dahil dito, agad na nag-air si Andi ng isang 'gentle reminder' para sa mga turista at customers nila.

Read also

Jeraldine Blackman, nagsalita na ukol sa mga 'third party' rumors: "Please stop assuming I did"

Samantalang naging usap-usapan si Andi Eigenmann dahil sa naging reaksyon niya na sapul sa isang viral video. Kamakailan ay ibinahagi ni Stevie Eigenmann ang sorpresa nila para kay Andi na talagang nagpaantig sa maraming netizens. Kasama pa nga sa kanilang pagpaplano ang eldest ni Andi na si Ellie Ejercito. Nang maituloy na nila ang sorpresa na ito, talagang naiyak si Andi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco