Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors

Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors

  • Joey de Leon muling nagpasiklab ng matalinong biro sa segment ng Eat Bulaga matapos banggitin ang “Discaya” at contractors na may kaugnayan sa isyu ng flood control project
  • Naging dahilan ito ng tawanan at kasiyahan sa studio audience at co-hosts na aliw na aliw sa kanyang patutsada
  • Kilala si Joey sa paggamit ng mga kasalukuyang isyu para gawing nakakatawang banat, na siya ring nagpapatingkad sa kanyang tatak bilang Henyo Master
  • Sa hiwalay na ulat, kamakailan ay muling nagkaayos sina Joey at anak niyang si Keempee de Leon matapos ang matagal na hindi pagkakaunawaan

Muling pinatunayan ni Joey de Leon kung bakit siya tinaguriang “Henyo Master” ng Eat Bulaga matapos magbigay ng witty banat na tumalakay sa isyu ng flood control project. Kilala si Joey sa kanyang matalinong wordplay at banat na madalas sumasalamin sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa.

Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors
Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors (📷@angpoetnyo/Instagram)
Source: Instagram

Sa segment na Gimme Five: Laro Ng Mga Working Pinoy Henyo, pinangalanan ng isang contestant ang dapat na “sea animal starting with D.” Sa pagkakataong ito, biglang binanggit ni Joey ang apelyidong “Discaya,” na agad nagdulot ng tawanan sa studio. Ang naturang pangalan ay nag-trending matapos banggitin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang negosyanteng sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.

Read also

Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue

Hindi nagpatinag si Joey at sinundan pa ang punchline sa pamamagitan ng pagbibiro hinggil sa “contractors.” Biniro niya na kahit ang cash prize sa segment na The Clone: Ka-Voice of the Stars ay “kinuhanan” daw ng contractors, dahilan para bumaha ng halakhak sa mga nanonood at maging sa kanyang mga co-hosts.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kilala si Joey hindi lamang bilang TV host kundi bilang beteranong komedyante at manunulat ng mga nakakatawang linya. Sa loob ng maraming dekada, bahagi na siya ng mga pelikula, palabas, at higit sa lahat, ng Eat Bulaga kung saan napapakita niya ang kanyang talino sa pagpapatawa. Sa bawat kasalukuyang isyu, nagagawa niyang magbigay ng banat na hindi lamang nakakatawa kundi mapapaisip din ang mga tao.

Si Joey de Leon ay isa sa mga pinakamatagal na haligi ng industriya ng aliw sa Pilipinas. Mula sa pelikula, telebisyon, musika, at hosting, pinatunayan niya ang kanyang talento sa iba’t ibang larangan. Kilala siya sa pagiging mabilis mag-isip ng punchline at sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa na hindi basta slapstick kundi puno ng wit at double meaning.

Read also

Video ni Bianca De Vera na nakapagpatulog daw ng baby, kinagiliwan ng marami

Kamakailan lang, naging emosyonal ang fans nang muling magkaayos sina Joey at anak niyang si Keempee de Leon matapos ang matagal na hindi pagkakaunawaan. Ayon sa ulat, si Keempee mismo ang nag-initiate ng pagkikita at pagbisita sa Eat Bulaga studio, na ikinatuwa ng marami.

Naging usap-usapan ang sweet gesture ni Joey matapos niyang bigyan ng regalo sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nagpakita ito ng pagiging thoughtful ni Joey sa kanyang mga kasamahan sa industriya. Ipinakita rin nito ang malapit na samahan nila sa kabila ng pagkakaiba ng henerasyon.

Nagpahayag ng kasiyahan si Joey nang muling mahalal si Tito Sotto sa Senado. Ipinakita nito ang kanyang suporta at matagal na pagkakaibigan kay Sotto, na isa rin sa mga haligi ng Eat Bulaga. Ang tagpong ito ay nagpatunay na hindi lamang sa comedy at hosting nakatuon si Joey kundi maging sa suporta sa kanyang mga kaibigan sa larangan ng politika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: