Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"

Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"

  • Si Dianne Medina ay kasalukuyang nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Dianne ang pagpanaw ng kanyang ama na si Prisco Medina
  • Aniya Dianne, pumanaw ito noong September 5 sa edad na 71, na ikinalungkot ng marami
  • Dahil dito, marami ang nakiramay kay Dianne, at pati na rin sa kanilang pamilya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Dianne Medina, isang Filipina actress at TV host, ay kasalukuyang nagluluksa matapos ang pagpanaw ng kanyang ama na si Prisco Tito "Antoy" Verzosa Medina sa edad na 71 nitong taon.

Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"
Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again" (@dianne_medina)
Source: Instagram

Sa Instagram nitong Sunday, September 7, ibinahagi ni Dianne ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama. Sa caption ng post, hiling ni Dianne at ng kanilang pamilya ang patuloy na panalangin para sa kanilang ama at pamilya na dumaraan ngayon sa pagdadalamhati.

"We are saddened to announce the passing of our beloved father, Prisco Tito 'Antoy' Verzosa Medina who has joined our creator last September 5, 2025. He was 71 years old. We ask for your continued prayers for our family during this time of grief, and for the eternal repose of the soul of our beloved Dad," ani Dianne sa kanyang now-viral post sa naturang photo-sharing application.

Read also

Julia Barretto, diretsahang nilinaw at sinagot ang tanong kung isa ba siyang "nepo baby"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang naturang anunsyo, bumuhos ang pakikiramay at mensahe ng suporta kay Dianne.

Kasunod nito, nag-upload din si Dianne ng isang throwback photo ng kanilang pamilya noong bata pa siya at ang kanyang mga kapatid. Kalakip nito ay ang masakit na pahayag ng aktres tungkol sa pagkawala ng parehong magulang. "Life will never be the same again! I really really miss you Mommy and Daddy. I love you both so much!!!" emosyonal na mensahe ni Dianne.

Patuloy namang ipinapahatid ng publiko ang kanilang pakikiramay at panalangin para sa kalakasan ng pamilya Medina sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ama nila.

Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.

Read also

Rufa Mae Quinto, nag-reflect sa buhay: "I’m still feeling depressed"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay super proud talaga sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa kanilang panganay. Kamakailan ay ibinahagi ng dalawa ang pagsisimula ng kinder journey ni Joaquin. Papasok lamang si Joaquin sa Ateneo de Manila University na hinahangaan ng marami. Aniya Rodjun, super saya at happy daw talaga nila para kay Joaquin.

Samantalang ay ikinatuwa ng marami sa social media ang pinakabagong post ni Dianne Medina. Sa Instagram, nagsulat si Dianne ng mensahe para sa kaarawan ng kanyang brother-in-law na si Rayver Cruz. Puno ng lambing at katatawanan ang kanyang birthday greeting na nakapaloob sa caption ng post. Kalaunan, nagkomento si Rayver sa kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco