Liza Soberano, pinalagan ang netizen na pumuna ng typo error niya
- Usap-usapan si Liza Soberano matapos punahin ng netizens ang kaniyang “typo error”
- Nagbigay siya ng saloobin sa isyu ng online sexual exploitation sa Pilipinas
- Isang netizen ang bumatikos sa paggamit niya ng salitang “steak holders” imbes na “stakeholders”
- Sagot ni Liza, mas mahalaga ang isyu kaysa sa simpleng typo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Instagram
Usap-usapan ngayon sa social media ang naging tugon ni Liza Soberano sa mga netizen na pumuna sa kaniyang “typographical error.”
Kasabay nito ay ang pagbibigay niya ng opinyon tungkol sa seryosong isyu ng online sexual exploitation sa bansa.
Noong Setyembre 4, niretweet at nireaksyunan ni Liza ang balita tungkol sa pagkakaligtas sa pitong batang babae na biktima ng online sexual exploitation sa Taguig City.
Sa kaniyang post, ibinahagi niya ang datos mula sa isang pag-aaral na nagsasabing Pilipinas ang isa sa mga global hotspot ng OSEC o Online Sexual Exploitation of Children.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit imbes na ang isyu ang pag-usapan, may netizens na tumutok sa kaniyang typo. Sa halip na “stakeholders,” naisulat niya ay “steak holders.”
Isang netizen ang agad bumatikos at tinawag ang kaniyang mali.
Mabilis namang sumagot si Liza ng, “Talaga? Yun lang nakuha mo?” Samantala, nang may isa pang netizen na mas mahinahong nagtama sa kaniya, nagpasalamat siya at inamin na nagkamali dahil nagmamadali siyang mag-type.
Ipinaliwanag pa niya na hindi dapat sa typo nakatuon ang pansin ng tao, kundi sa mas mabigat na usapin.
Giit niya, mas mahalaga ang laban kontra pang-aabuso at dapat managot ang mga nasa kapangyarihan na hindi napoprotektahan ang mga bata at mahihina sa lipunan.
Basahin ang artikulo na nilathala ng BALITA dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.
Sa nakalipas na artikulong nilathala ng KAMI, sa kontrobersyal na vlog ni Liza Soberano sa YouTube channel na Can I come in? Naging usap-usapan ng publiko ang na-bleep na pangalang nabanggit ni Liza habang nag-aalay ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya. Sinasabi ng marami na tila "Ogie" ang pangalan bagay na pakiramdam mismo ni Ogie Diaz ay hindi siya ang tinutukoy ng dating alaga.
Dagdag pa rito, nagbigay ng komento si Cristy Fermin ukol sa naging pahayag ni Liza Soberano. Ito ay ang rebelasyon ni Liza tungkol sa kanyang dinanas sa masalimuot niyang kabataan. Ani Cristy nakakaawa umano si Liza subalit tila hindi ito kapani-paniwala. Dagdag pa Cristy, tila taliwas ang malinaw na alaala ni Liza sa pangyayaring ito sa kanyang kabataan sa umano'y hindi niya pagpapasalamat sa ABS-CBN at sa dating manager na si Ogie Diaz.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh