Jericho Rosales, labis ang pagkalito sa prank ni Janine Gutierrez sa kanya
- Si Jericho Rosales ay naging usap-usapan dahil sa kanyang pagkalito sa isang video
- Kamakailan ay nag-post si Janine Gutierrez ng video kung saan kasama niya si Echo
- Ngunit ang prank na ginawa ng aktres sa kanyang partner ay kinagiliwan ng marami
- Kitang-kita kasi ang pagkalito ni Jericho sa sinabi ni Janine sa kanya sa viral video
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jericho Rosales, isang Filipino former matinee idol, ay naging usap-usapan online matapos mag-viral ang kanyang raw at genuine na reaksyon sa "nasa-pack" prank ni Janine Gutierrez.

Source: Instagram
Sa Facebook post ni Janine, makikitang sinabi niya kay Jericho na kailangan niyang bumaba para makipagkita sa isang tao dahil bumili ito ng kape at nasa-pack. Ngunit dahil sa paraan ng pagkakabigkas ni Janine, ang narinig ni Jericho ay "nasapak" kaya siya ay nag-alala agad.
"Guys, sumakses ba ako sa prank na 'to?" biro ni Janine sa kanyang caption sa Facebook app.
Habang tumatakbo ang video, kita ang pagkalito ni Echo. Paulit-ulit niyang tinanong si Janine: "Nasapak? Suntok? Anong ibig sabihin? Nasapak siya sa mukha? Bakit? Anong ginawa niya?"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad namang umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang naturang prank, na halos lahat ay natawa sa pagiging seryoso at litong-lito ni Jericho sa narinig niya kay Janine sa clip.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Ilang beses ko inulit, tawang tawa ako, kilig me."
"Palibhasa kasi di ata nabili ng naka-pack eh hehehe."
"Yes, sumakses ka here, nakailang tawa and replay ako."
"Yung tawa ni Janine ang sumakses, talagang pang-asar HAHA."
"I played this many times, tawang tawa ako dahil litong lito si Echo."
Sa huli, nagbigay ng good vibes ang simpleng prank na ito, lalo na’'t ipinakita ni Jericho ang kanyang natural at nakakatawang reaksyon na agad minahal ng mga netizens online.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Jericho Rosales ay isang kilalang Filipino actor, mang-aawit, at modelo, na hinahangaan dahil sa kanyang versatility at husay sa pagganap sa mga iba't ibang teleserye at pelikula. Naging tanyag siya sa mga hit teleserye gaya ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife. Kilala bilang isang matinee idol na may angking galing sa pag-arte, nakatanggap si Jericho ng papuri mula sa mga kritiko at ilang parangal para sa kanyang mga papel sa parehong mainstream at independent films, gaya ng Baler at Alagwa. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal naman siya kay Kim Jones noong May 2014, subalit kalaunan ay naghiwalay din silang dalawa noong 2019.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral kamakailan ang anak ni Jericho Rosales at pati na rin si Janine Gutierrez. Sa isang TikTok video, makikitang binati ng dalawa ang isa't isa sa isang event. Bukod sa candid at casual nilang pag-uusap, nagyakapan pa nga ang dalawa. Marami namang 'EchoNine' fans ang talagang natuwa sa interaction ng dalawa.
Samantalang naging laman ng headline si Jericho Rosales matapos siyang magbigay ng matapang na babala online. Kamakailan, sa Instagram, diretsahang tinawag ng aktor ang nasa likod ng isang pekeng Facebook account. Ginamit ng account ang pangalan at maging ang larawan ng aktor, dahilan upang ito ay kanyang kondenahin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh