Video ni Bianca De Vera na nakapagpatulog daw ng baby, kinagiliwan ng marami

Video ni Bianca De Vera na nakapagpatulog daw ng baby, kinagiliwan ng marami

  • May nakatutuwang tugon si Bianca De Vera sa post ng isang netizen tungkol sa kanya
  • Ito ay may kaugnayan sa kanyang video kung saan kumakanta siya ng awitin ni Klarisse De Guzman
  • Umabot na sa mahigit 2.5 million ang views ng naturang post
  • Si Bianca De Vera ay kasalukuyang mapapanood sa teleseryeng It's Okay to not be okay na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Anne Curtis

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kinagiliwan ng maraming netizens ang aktres na si Bianca De Vera matapos mag-viral ang isang video kung saan mapapansing napatahan at nakatulog ang isang sanggol habang pinakikinggan ang kanyang pag-awit.

Video ni Bianca De Vera na nakapagpatulog daw ng baby, kinagiliwan ng marami
Bianca De Vera
Source: Facebook

Ang naturang video, kung saan kinanta ni Bianca ang awitin ni Klarisse De Guzman, ay umani na ng mahigit 2.5 milyon views sa social media.

Isang netizen ang nag-post ng reaksyon ng kanyang anak na agad na tumahimik matapos marinig ang boses ng aktres. Sa post ay mababasa ang nakakaantig na mensahe: “Thank you Bianca De Vera, napatulog mo ang anak ko.”

Read also

Julia Barretto, diretsahang nilinaw at sinagot ang tanong kung isa ba siyang "nepo baby"

Dahil sa nakaka-inspire na feedback, nagbigay naman ng masayang tugon si Bianca: “Will sing more po, thank you!” Ipinakita nito ang kanyang taos-pusong pagpapahalaga sa suporta ng kanyang mga tagahanga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bianca De Vera, na ipinanganak noong Marso 2002, ay kabilang sa mga bagong bituin ng ABS-CBN at unti-unting gumagawa ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang angking ganda, mas pinahahalagahan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang pagiging natural at talento sa pag-arte at pagkanta.

Kasalukuyan ding mapapanood si Bianca sa teleseryeng “It’s Okay to Not Be Okay,” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Anne Curtis. Bago rito, nakilala rin siya sa iba’t ibang proyekto gaya ng He’s Into Her, 2 Good 2 Be True, at The Iron Heart. Siya rin ay naging bahagi ng pelikulang A Very Good Girl kasama sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Minsan na rin siyang naging bahagi ng progamang Junior MasterChef Pinoy Edition Top 9, ay isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Binansagan siyang “Sassy Unica Hija ng Taguig” at mabilis na minahal ng publiko dahil sa kanyang natural na personalidad at talento.

Read also

Angeline Quinto, na-inspire sa ginawang viral na TikTok video ni Marian Rivera

Isa sa pinakaemosyonal na bahagi ng kanyang pananatili sa bahay ni Kuya ay nang mabalitaan niyang pumanaw ang kanyang alagang aso na si Peach. Pinayagan siyang pansamantalang lumabas upang magpaalam dito at muling mayakap ang kanyang mga magulang. Marami ang naantig sa eksenang ito at nagbigay ng suporta kay Bianca.

Nagkaroon din siya ng tensyon sa face-to-face nominations nang mabigyan ng puntos ni Mika Salamanca, ngunit agad din itong nauwi sa emosyonal na paghingi ng tawad at pagpapatawad—patunay ng kanilang matibay na pagkakaibigan.

Bagama’t hindi siya nakapasok sa Big 4, naging tampok ang tambalan nila ni Dustin Yu bilang “DusBi,” at maging ang kilig moments nila ni Will Ashley na tinawag ng fans na “WillCa.” Paglabas ng bahay, niregaluhan siya ng kanyang mga magulang ng isang ₱5.9 milyon luxury van bilang suporta sa kanyang karera.

Sa kabila ng hindi pagkakapasok sa Big Night, si Bianca De Vera ay patuloy na umaangat bilang isa sa mga bagong mukha ng industriya ng showbiz hindi lamang bilang aktres kundi bilang inspirasyon sa kabataan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica