Jeric Raval, napag-usapan sina AJ Raval at Aljur Abrenica sa panayam ni Aiko Melendez
- Si Jeric Raval ay nakapanayam kamakailan ni Aiko Melendez sa channel niya
- Dito ay naitanong ni Aiko si Jeric tungkol sa anak nito na si AJ Raval at sa partner nito
- Nang usisain ni Aiko si Jeric tungkol sa pagpasok ni AJ sa showbiz, nagpakatotoo si Jeric
- Bukod pa rito ay ibinahagi rin ni Jeric ang opinyon niya tungkol kay Aljur Abrenica
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jeric Raval, isang kilalang action star, ay nakapanayam ni Aiko Melendez kung saan diretsahan niyang sinagot ang ilang katanungan tungkol kina AJ Raval at kay Aljur Abrenica.

Source: Instagram
Sa panayam, tinanong ni Aiko kung kamusta na si AJ ngayon, lalo na't di na siya active online. Dito ay ibinahagi ni Jeric ang kasalukuyang estado ng kanyang anak. "Ang gusto niya ngayon eh tahimik lang ang buhay niya. Hindi na siya nagpe-Facebook, ayaw niya ng social media," aniya.
Nang usisain naman tungkol sa showbiz career ni AJ at ang biglaang hiatus nito, ibinunyag ni Jeric na minsan nang na-reject si AJ ng isang istasyon na hindi niya pinangalanan. "Nag-artista yan sa kabilang istasyon, na-reject, so nagkaroon siya ng parang inferiority complex na, 'Ayokong mag-artista.' Parang ang feeling niya, lagi siyang mare-reject," kwento ng aktor. Dagdag pa niya, "So isang araw, nagulat na lang ako na artista na siya sa Viva. Hindi ko alam na nag-artista siya."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nang tanungin ni Aiko kung sinuportahan ba niya ang desisyon ni AJ, deretsahang inamin ni Jeric, "Hindi, kasi alam niya hindi ko siya susuportahan sa mga ganung movie. Sandali lang naman niya ginawa yung mga ganung movie hanggang sa ayaw na niya, as simple as that."
Samantala, nang mabanggit naman si Aljur , naging simple pero malinaw ang sagot ni Jeric. "I have nothing against Aljur, mabait naman yung tao. Ayun lang, ang sabi ko sa kanya eh na ingatan yung anak ko dahil iningatan ko yan eh. Prinsesa namin yan eh," pahayag ng action star.
Maraming netizens ang natuwa sa pagiging prangka ni Jeric at sa pagmamalasakit nito sa kanyang anak, na muling nagpatunay kung gaano kahalaga ang pamilya para sa kanya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Jeric Raval ay isang batikang aktor sa Pilipinas na sumikat noong dekada 990 bilang isa sa mga pangunahing action stars ng lokal na pelikula. Kilala siya sa kanyang matitinding labanang eksena at pagiging matikas sa big screen, dahilan upang maging isa sa mga paboritong aktor sa larangan ng aksyon. Lumabas siya sa maraming pelikula at teleserye kung saan ipinakita niya hindi lamang ang kanyang labis na husay sa aksyon kundi pati na rin sa pag-arte. Dahil dito, napanatili niya ang kanyang pangalan bilang isang respetadong personalidad sa showbiz. Bukod sa kanyang career sa local showbiz, kilala rin si Jeric Raval bilang isang mapagmahal na ama.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinumpirma ni Jeric Raval na sina AJ Raval at ang kanyang partner na si Aljur Abrenica ay mga magulang na ng dalawang batang anak — isang lalaki at isang babae. Nangyari ang rebelasyong ito sa isang press interview sa victory party ng Mamay: A Journey To Greatness sa Quezon City noong August 23, 2025, ayon sa PEP.ph. Iniulat naman ng Inquirer.net na si Jeric ay ibinahaging ang panganay na anak ng mag-partner ay hawig sa kanya.
Samantalang noong August 2024, nakausap ni Julius Babao si Jeric Raval, ang asawa nitong si Holiday Raval at ang ibang anak nila sa vlog. Sa kanilang pag-uusap, natanong ni Julius kung paano natanggap ni Holiday ang pagiging babaero ni Jeric. Dumating pa nga raw sa punto na nagkasabay-sabay manganak ang mga naging karelasyon ni Jeric. Gayunpaman, mas tiningnan na lang daw ni Holiday ang magagandang katangian ni Jeric kaya nanatili siya sa tabi nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh