Neri Naig, may inamin tungkol sa dinulot ng kanyang "trauma"

Neri Naig, may inamin tungkol sa dinulot ng kanyang "trauma"

  • Si Neri Naig ay nagbigay-inspirasyon kamakailan lang dahil sa post niya sa Instagram
  • Sa naturang photo app, ipinakita ni Neri ang sweet handwritten letter ng kanyang asawa
  • Ngunit kasama ng post na ito ay isang lengthy message tungkol sa pinagdaanan ni Neri
  • Dito ay inamin pa nga ng 'Wais na Misis' ang idinulot ng kanyang "trauma" sa buhay niya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Neri Naig, isang Filipina actress-entrepreneur, ay nagbigay-inspirasyon sa mga tao matapos niyang ibahagi ang isang sweet handwritten letter mula sa kanyang asawa na si Chito Miranda.

Neri Naig, may inamin tungkol sa dinulot ng kanyang "trauma"
Neri Naig, may inamin tungkol sa dinulot ng kanyang "trauma" (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Sa post, hindi lang liham ang kanyang ipinakita kundi pati na rin ang isang mahabang mensahe na tumagos sa puso ng maraming netizens. "I love letters. Kahit simpleng notes lang, sobrang precious sa akin. Lahat ng love letters ni Chito mula pa noong 2012, tinatago ko," aniya Neri.

Kwento pa niya, nabasa niya ang liham bandang 4:30 AM matapos siyang magising, bago siya nagpatuloy sa kanyang routine. "Nagsalang lang ako ng laundry muna... yan ang routine ko tuwing umaga. Dahil walang pasok ngayon, wala akong baon na gagawin para sa mga bata. Breakfast na lang mamaya... craving scrambled eggs, pero hindi na kami nauubusan ng itlog ngayon, hehe. Magha-honey lemon tea muna ako, then check my to-do list for today," dagdag niya.

Read also

Annabelle Rama, ibinahagi ang nakakastress na karanasan nang maiwan ang bag sa Rome

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit higit na tumatak sa mga netizens ang naging rebelasyon ni Neri tungkol sa kanyang kalagayan. Ayon sa kanya, masaya siya dahil unti-unting bumabalik ang kanyang mga nakagawian na routine matapos itong mawala dahil sa isang matinding pinagdaanang trauma.

"Masaya ako kasi unti-unti, bumabalik na ang routines ko. Nawala talaga sila dahil sa trauma na pinagdaanan ko, pero ito ngayon... slowly living, slowly healing. Hindi pa 100%, pero nag-i-improve, nagiging functional ulit," ani ng aktres-entrepreneur sa kanyang now-viral online post.

Sa huli, ibinahagi ni Neri ang kanyang pag-asa na ang kanyang kwento ay magsilbing inspirasyon sa iba na patuloy na lumaban at maghilom, "At sa ganitong paraan ng pag-share, sana may ma-inspire na mas lumaban din sa buhay. Hindi madali, yes.. I know. Pinagdadaanan ko yan. Pero palagi kong pinapaalala sa sarili ko: hiram lang natin ang buhay na ito sa Panginoon. Kaya alagaan natin. At tandaan, may pamilya tayo na andyan, patiently waiting for us to heal 100%."

Read also

Angeline Quinto, na-inspire sa ginawang viral na TikTok video ni Marian Rivera

Si Neri Naig ay isang Filipina actress at negosyante na unang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest ng ABS-CBN noong 2004. Bagama't hindi siya nanalo bilang grand champion, nagkaroon pa rin siya ng pagkakataon na makapasok sa showbiz at lumabas sa iba't ibang teleserye at pelikula. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga drama at supporting roles. Bukod sa showbiz, mas nakilala si Neri bilang isang masinop at masipag na negosyante. Pinakasalan niya ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda noong December 2014, at mula noon ay naging inspirasyon sila sa maraming mag-asawa at pamilya sa social media.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Neri Miranda sa Instagram ang kanyang pagpupugay sa mga ina na patuloy na nagbibigay kahit na sila ay pagod, nasasaktan, o hindi kinikilala. Ipinagdiwang niya ang lahat ng mga maternal figures at kinilala ang kanilang pagmamahal. Itinaguyod din ni Neri ang mga bago at healing mommies, at binibigyang-diin na maaaring magtapos na nga sa kanila ang generational trauma.

Read also

Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo

Samantalang kamakailan ay nagbahagi si Neri Miranda ng isang repleksyon sa social media tungkol sa likas na kahirapan at layunin ng buhay. Ayon sa celebrity mom, hindi kailanman ipinangako ang madaliang pamumuhay, ngunit natatagpuan ang kahulugan sa mga pagsubok. Sinabi rin niya na ang tagumpay ay nagbubunga ng mga panibagong hamon na nagdudulot ng mga aral sa katatagan, karunungan, at pananampalataya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco