Ellen Adarna, nakiusap na sa publiko ukol sa kanila ni Derek Ramsay: "Tigilan niyo na kami"
- Si Ellen Adarna ay nanawagan kamakailan sa publiko ukol sa kanila ni Derek Ramsay
- Sa Instagram, nag-post si Ellen ng 'proof' umano laban sa panibagong tsismis sa kanila
- May kumakalat kasi na tsismis na in-unfollow na ng celebrity momma si Derek sa app
- Dahil dito, agad na nagsalita si Ellen ukol sa isyu at sinabing, "Tigilan niyo na kami ha"
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Ellen Adarna, isang Filipina former actress, ay nanawagan sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling balita tungkol sa kanya at sa asawang si Derek Ramsay.

Source: Instagram
Kamakailan, nagbahagi si Ellen ng isang video sa Instagram kung saan makikitang sinusubukan niyang ipakita na naka-follow pa rin siya sa kanyang asawa sa naturang app, sa kabila ito ng mga kumakalat na tsismis na in-unfollow umano niya ang kanyang mister sa photo-sharing app.
Kasabay ng video, nag-iwan si Ellen ng mensahe na puno ng pag-asang matapos na ang mga haka-haka laban sa kanila. "Tigilan niyo na kami ha, dami na fake news ekeklavoo," aniya Ellen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pinaliwanag din ni Ellen ang sitwasyon sa kanyang Instagram account. Ayon sa kanya, hindi niya alam kung bakit hindi lumalabas si Derek sa kanyang following list kahit na malinaw na naka-follow siya rito kapag hinanap ang pangalan ng aktor sa naturang photo-sharing app.
"I never unfollowed my husband. Ever. And I don't know what's happening here on my Instagram. But here you go... when I search his name, I'm following him. But on my following list, he's not there, and I don't know what's up, IG?! Ano ba talaga? Ako rin, nalito na ako LOL," paliwanag niya.
Sa kabila ng tsismis, malinaw ayon kay Ellen na hindi niya kailanman in-unfollow si Derek.

Source: Instagram
Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-react kamakailan lang si Ellen Adarna sa isang "nepo baby" na satirical video. Nag-post kasi nito lamang si Ansis Sy ng video na para raw sa mga "nepo baby" ng bansa. Dahil dito, agad talagang napa-comment ang aktres at ni-repost pa nga ang video sa page niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-comment si Ellen sa politics sa page niya.
Samantalang ay nagpasiklab ng usapan sa social media si Ellen Adarna dahil sa kanyang reaksyon sa Instagram video ni Nasser Qazi. Naunang mag-post si Nasser ng video kung saan tinalakay niya ang tungkol sa "what makes a woman flourish." Para kay Nasser, higit pa sa materyal na bagay at palagiang romansa, mas mahalaga ang kaligtasan at emosyonal na seguridad. Nang mapanood ang video, nag-react si Ellen at pinalawak pa ang ideya tungkol dito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh