Kris Aquino, dinala sa ospital matapos tumaas ang BP: "Kaya pa"

Kris Aquino, dinala sa ospital matapos tumaas ang BP: "Kaya pa"

  • Kris Aquino dinala ng ambulansiya sa ospital matapos sumirit ang kanyang blood pressure
  • Kumalat ang death hoax tungkol sa kanya na agad itinanggi ng malalapit na tao sa aktres
  • Kinumpirma ni Dindo M. Balares na buhay at nakikipag-usap pa si Kris matapos ang insidente
  • Inamin ni Kris na nananatili siyang matapang at positibo habang nagpapatuloy ang kanyang gamutan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagulantang ang marami matapos kumalat ang tsismis na pumanaw na raw si Kris Aquino, pero agad itong pinasinungalingan ng malalapit sa kanya. Sa Facebook post ni Dindo M. Balares, kaibigan ng Queen of All Media, ikinuwento niya ang kaba nang makatanggap siya ng tawag mula sa press at isang kamag-anak na nagtatanong kung totoo raw ang balitang sumakabilang-buhay na si Kris.

Kris Aquino, dinala sa ospital matapos tumaas ang BP: "Kaya pa"
Kris Aquino, dinala sa ospital matapos tumaas ang BP: "Kaya pa" (📷Dindo M. Balares)
Source: Facebook

Ayon kay Balares, “Si Kris Aquino raw, dead na. Paanong ’di nenerbiyusin, ilang araw kaming ’di nagkontakan ni Krisy after ng successful surgical procedure sa kanyang blood clots.”

Agad siyang nagtanong sa isang caretaker ni Kris at nakahinga nang maluwag nang marinig na natutulog lamang ito. Kinagabihan, nagkausap din sila ni Kris mismo sa messaging app kung saan nilinaw ng TV host-actress na buhay na buhay siya, kahit pa dumaan sa panibagong health scare.

Read also

Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Noong umabot ng 172/112 ang BP ko, I told Alvin to call St. Luke’s for an ambulance,” pagbabahagi ni Kris. Ipinakita rin niya ang resulta mula sa kanyang BP monitor at inaming bumaba rin ang kanyang white blood cell count. Sa kabila nito, pinanatili ni Kris ang pagiging matatag at nagbigay pa ng lakas ng loob sa kanyang kapatid na si Balares. “I don’t want you to worry, kuya Dindo. Kaya pa,” dagdag niya.

Positibo ring ibinalita ni Kris na, “They checked if i had more blood clots. The good news—the blood clot that required for the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly.”

Dahil dito, kahit may pangamba, nagpatuloy pa rin sa masayang pag-uusap ang dalawa. Para kay Balares, kahanga-hanga ang tapang at positivity ni Kris sa kabila ng kanyang pinagdadaanan.

Si Kristina Bernadette "Kris" Aquino ay kilalang TV host, aktres, at entrepreneur. Tinagurian siyang "Queen of All Media" dahil sa kanyang naging matagumpay na career sa telebisyon, pelikula, at advertising. Kamakailan, nagfocus si Kris sa kanyang kalusugan matapos madiskubre ang ilang autoimmune diseases at komplikasyon sa dugo. Sa kabila ng matinding gamutan, patuloy siyang nakikipaglaban at nagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga tagasuporta.

Read also

10-anyos, nagpaka-‘human shield' para iligtas ang kaklase sa school shooting

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, nagbigay ng panalangin at suporta si Boy Abunda para kay Kris Aquino at sa anak nitong si Bimby. Ipinahayag ng King of Talk na patuloy siyang nakikiisa sa laban ng kanyang kaibigan at handa siyang umalalay anumang oras. Ayon pa kay Abunda, naniniwala siyang makakayanan ni Kris ang kanyang kalagayan dahil sa kanyang determinasyon at pagmamahal sa pamilya.

Samantala, kamakailan ding naging usap-usapan ang paglabas ni Tita Krissy Achino ng tax record ni Kris Aquino sa gitna ng kontrobersiyang "nepo babies." Sa naturang pahayag, ipinakita ni Tita Krissy na malinaw ang tax compliance ni Kris at wala itong dapat itago. Ginawa raw ito upang patunayan na sa kabila ng pagiging bahagi ng isang prominenteng pamilya, si Kris ay marunong at responsable sa kanyang mga obligasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate