Ivana Alawi, napaiyak si Bea Borres sa sorpresang baby shopping: “Para sa inaanak ko 'to”

Ivana Alawi, napaiyak si Bea Borres sa sorpresang baby shopping: “Para sa inaanak ko 'to”

  • Naiyak si Bea Borres nang bigla siyang dalhin ni Ivana Alawi sa isang baby store
  • Hindi kasi akalain ni Bea na magiging bahagi iyon ng kanilang 'date' ni Ivana
  • Ani Ivana, ninang siya ng ipinagbubuntis ni Bea kaya naman kanya itong ipinamili agad
  • Matatandaang isinapubliko na kamakailan ni Bea Borres ang kanyang pagdadalang-tao na sinundan naman ng gender reveal ng kanyang baby na si "Hope"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilan ng social media personality na si Bea Borres ang mapaluha nang sorpresahin siya ng sikat na aktres at YouTube superstar na Ivana Alawi sa isang bonggang baby shopping spree!

Ivana Alawi, napaiyak si Bea Borres sa sorpresang baby shopping: “Para sa inaanak ko 'to”
Ivana Alawi, napaiyak si Bea Borres sa sorpresang baby shopping: “Para sa inaanak ko 'to” (Bea Borres)
Source: Facebook

Sa vlog na in-upload ni Ivana, makikitang inanyayahan niya si Bea para sa isang bonding moment na inakala ng huli ay simpleng pamper day at food trip lang.

Pero laking gulat ni Bea nang huminto sila sa isang kilalang baby store sa isang mall sa Metro Manila.

“Akala ko, magsa-shopping ka talaga tapos dadalhin mo ako dito!” sabi ni Bea na nangingilid na ang luha.

Read also

Sarah Discaya, umaming bumili ng Rolls-Royce dahil natuwa sa “payong”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paliwanag ni Ivana, gusto niyang maging hands-on sa pagiging ninang ni Baby Hope. "Ano ka ba, para sa inaanak ko naman 'to" aniya habang nililibot ang buong store.

At hindi basta-bastang shopping ang nangyari! Umabot sa mahigit Php60,000 ang lahat ng pinamili ni Ivana para sa baby Hope ni Bea. Mula sa damit, mga gamit ng baby at maging car seat ay agad na binili ni Ivana.

Dahil dito, isang matamis na "Thank you, Ate" ang nasambit ni Bea na umano'y limang buwan nang buntis.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang bonding mula sa Ivana Alawi YouTube:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.

Read also

Slater Young, pumalag nang akusahan siya bilang isang government contractor: "Don't me"

Sa papatapos na Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon, isa si Ivana sa mga naging surpresang house guest ni Kuya. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya. Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad at labis na nangangailangan.

Samantala, si Bea Borres ay dating child actress na sumikat sa mga youth-oriented shows at ngayon ay isa nang in-demand social media influencer. Kamakailan lang ay isiniwalat niya sa publiko ang kanyang pagbubuntis, na agad nag-trending. Sinundan ito ng isang gender reveal party, kung saan ipinakilala niya ang pangalan ng kanyang magiging anak: Baby Hope.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica