"POV" video ni Bela Padilla tungkol sa pagpapaaral ng mga "Disney princess", pumalo ng 4M views
- Si Bela Padilla ay muling umani ng atensyon dahil sa kanyang TikTok video
- Nag-post kasi si Bela ng isang "POV" video tungkol sa pagkayod para sa mga "princess"
- Bukod pa nga rito ay nakipag-interact din ang aktres sa mga netizens sa comments
- Mabilis namang nag-viral ang video na ito ni Bela at pumalo ng lagpas 4M views sa app
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Bela Padilla, isang Filipina actress-director, ay muling umani ng atensyon online matapos mag-post ng isang nakakatawag-pansing "POV" video sa kanyang TikTok account na @bela050390.

Source: Instagram
Sa naturang clip, makikita si Bela na umaarte sa tila isang madamdaming eksena, ngunit ang mas nakakuha ng pansin ng netizens ay ang note na inilagay niya: "POV: Kailangan mo galingan umiyak at masaktan kasi may mga pinapaaral kang mga Disney princess," aniya ng aktres.
Agad na nag-viral ang post, lalo na nang makipag-interact si Bela sa mga netizens sa comment section. Isang netizen nga ang nagsabi, "Pati pala mga artista, kala ko nga dati mayayaman sila eh, but they're still people working fair," na sinagot naman ni Bela ng rebelasyon tungkol sa kanyang working hours bilang artista, "I work 16-18 hours (excluding travel) 7 days a week."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, isa pang komento ang nagsabi, "Yung kakakausap mo lang sa Customs Commissioner dahil sa overcharged sa import taxes tapos unlimited ATM machine pala yung director nila," na tinugon ni Bela ng, "The irony," na agad na umani ng likes sa mga iba pang netizens sa app.
May isa ring netizen ang nagbiro, "Papasok kahit may sakit para may pang-out of the country travel ang mga scholars natin," na sinang-ayunan mismo ng aktres, "Literally me last week."
Mahalagang banggitin na lumabas ang post ni Bela kasabay ng umiinit na usapin tungkol sa flood control project issue sa bansa, dahilan para mas lumalim ang konteksto ng kanyang mga pahayag at mag-ugat ng mas maraming diskusyon sa naturang social media platform.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: TikTok
Si Bela Padilla ay isang sikat na Filipina actress, screenwriter, at director na kilala sa kanyang husay at versatility sa pag-arte. Ilan sa kanyang pinakapinag-usapang mga pelikula ay ang 100 Tula Para Kay Stella, Meet Me in St. Gallen, at On Vodka, Beers, and Regrets. Sa kanyang personal na buhay, siya ay pamangkin ng action star na si Robin Padilla. Sa paglipas ng mga taon, mula sa pagiging supporting actress ay nakilala si Bela bilang lead actress, na lalo pang nagpatibay sa kanyang pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino. Bukod sa pag-arte at pagsusulat, pinasok din niya ang pagdidirek at produksyon, na patunay ng kanyang lawak ng talento sa showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay-inspirasyon si Bela Padilla sa maraming netizen. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ibinahagi ni Bela kung kamusta ang kanyang puso. Matatandaang inamin na kasi ni Bela sa publiko ang kanyang pakikipaghiwalay kay Norman Bay. Dahil dito, marami ang humanga sa kanyang pagiging tapat, bagay na tumatak sa puso ng kanyang mga tagahanga.
Samantalang nag-udyok din ng isang taos-pusong usapan sa social media si Bela Padilla. Kamakailan, naging bukas si Bela tungkol sa kanyang kalusugan at nagbahagi ng mga pagninilay tungkol sa buhay at wellness. Ayon sa kanya, apat na beses na siyang naospital. Dahil dito, marami sa kanyang mga followers ang naka-relate at humanga sa kanyang pagiging open.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh