Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy

  • Si Ellen Adarna ay nag-react kamakailan lang sa isang "nepo baby" na satirical video
  • Nag-post kasi nito lamang si Ansis Sy ng video na para raw sa mga "nepo baby" ng bansa
  • Dahil dito, agad talagang napa-comment ang aktres at ni-repost pa nga ang video sa page niya
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-comment si Ellen sa politics sa kanyang page

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Ellen Adarna, dating aktres, ay muling naging usap-usapan online matapos niyang mag-react sa isang video tungkol sa mga "nepo babies" sa gitna ng isyu ng flood control projects sa bansa.

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy
Photos: @maria.elena.adarna, @ansissydatwalk on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Ellen ang video ng stand-up comedian na si Ansis Sy, na may pamagat na "Paano Labanan Ang Bashers as a Nepo Baby." Sa naturang clip, makikitang nagbibigay si Ansis ng mga nakakatawang tips kung paano raw dapat humarap ang isang "nepo baby" sa kanilang mga bashers na labis namang kinagiliwan ng maraming netizens online.

Read also

Slater Young, pumalag nang akusahan siya bilang isang government contractor: "Don't me"

Kasunod nito, hindi napigilang magbigay ng sariling biro si Ellen tungkol sa isyu. Aniya ng aktres, baka raw mas piliin pa ng mga ito ang ma-bash sa social media, "Mas piliin na lang daw siguro i-bash, mas easy pa kaysa magka-leptospirosis, and magkaroon ng consciousness, este conscience."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang beses na naging matapang si Ellen sa pagbibigay ng komento tungkol sa kontrobersyal na isyu sa politika. Kamakailan lamang, naging viral din siya matapos mag-react sa mga satirical na 'contractor' photos ni Edu Manzano, kung saan nag-upload ito ng mga edited pictures niya na tila nagpapakita ng marangyang pamumuhay niya bilang isang 'engineer.'

Noong May, nakakuha rin ng atensyon si Ellen nang ipaalala niya kung sino ang tunay na "bossing." Aniya Ellen, ang taumbayan daw ang nagbabayad sa mga ito, "We’re the ones paying for public servants — their salaries, their offices, their benefits. All of it comes from taxpayers."

Read also

Ellen Adarna, aliw na aliw sa 'contractor' posts ni Edu Manzano: "The shade haha, I cannot"

Dahil dito, marami ang patuloy na humahanga kay Ellen dahil sa kanyang mga maprangkang pahayag tungkol sa mga isyu na bumabalot sa bansa, at sa paggamit niya sa kanyang platform.

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpasiklab ng usapan sa social media si Ellen Adarna dahil sa kanyang reaksyon sa Instagram video ni Nasser Qazi. Naunang mag-post si Nasser ng video kung saan tinalakay niya ang tungkol sa "what makes a woman flourish." Para kay Nasser, higit pa sa materyal na bagay at palagiang romansa, mas mahalaga ang kaligtasan at emosyonal na seguridad. Nang mapanood ang video, nag-react si Ellen at pinalawak pa ang ideya tungkol dito.

Read also

Derek Ramsay, umalma sa fake news tungkol kay Ellen Adarna at sa anak nila

Samantalang naging usap-usapan kamakailan lang ang dating aktres na si Ellen Adarna dahil sa post nito sa kanyang page. Sa Instagram, ipinakita kasi ni Ellen ang message na natanggap niya nito lamang. Makikitang tila may umuutang sa kanya bilang pambayad sa kanilang inuupahan. Agad naman itong sinagot ni Ellen na may halong pagkaprangka sa social media page niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco