BINI Gwen, sa mga video na kumakain siya sa PBB house: "Inaamin ko malakas po ako kumain”
- Nagkaroon ng ekslusibong panayam si Ogie Diaz kay BINI Gwen Apoli
- Isa sa mga naitanong ni Ogie ay ang tungkol nagba-viral muling video na kuha noong siya'y housemate pa lamang sa PBB house
- Matatandaang muling nag-viral ang nasabing video kung saan nabansagan siya umanong matakaw ng ilan
- Nagbigay ng nakakatuwang reaksyon si Gwen ukol dito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagkaroon ng eksklusibong panayam si Ogie Diaz kay Gwen Apuli, miyembro ng P-pop girl group na BINI, kung saan isa sa mga napag-usapan ay ang muling pag-viral ng kanyang mga video noong panahong housemate pa siya sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) House.

Source: Youtube
Matatandaang naging usap-usapan ang ilang PBB clips ni Gwen matapos siyang bansagang “matakaw” ng ilang netizens.
Nang tanungin ni Ogie ukol dito, nagbigay si Gwen ng nakakatawang reaksyon:
“Hindi ko rin po alam. E kasi sa PBB parang… mentally kulong ka. ‘Yung food limited, gano’n. Wala e, nagutom lang ako. Binalikan nila ‘yung sa PBB… ‘Yung mga clips ko ina-up ulit nila," paliwanag ni Gwen.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Natatawa namang inamin ni Gwen na may kalakasan umano siyang kumain subalit hindi naman nadaragdagan ang kanyang timbang.
“Pero opo, malakas po talaga akong kumain. Inaamin ko malakas po ako kumain. Iba ‘yung gutom ko ‘dun sa loob,” dagdag pa niya.
Ang nasabing video ay muling naungkat matapos maiugnay ito ng publiko sa isang episode ng “People vs. Food” kung saan sinabi ni Gwen na hindi siya kumakain ng turon na may asukal. Doon, nahusgahan si Gwen maging ang ilang miyembro ng BINI.
Dahil dito, muling nabuhay ang diskusyon ng mga netizens tungkol sa kanyang pagkain.
Samantala, maging ang naging pahayag niya sa "People vs. Food" episode ay kanya ring binigyang linaw.
“Oo, sanay talaga po ako sa turon na walang sugar. Kasi as in lalo kung taga-Bicol po. Mostly, hindi ko po nilalahat, siyempre iba iba pa rin, mostly talaga sa Bicol, lumaki akong walang sugar ‘yung turon,” aniya.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Gwen Apuli ay unang nakilala bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Connect” noong 2021, bago siya tuluyang naging bahagi ng BINI, ang all-female P-pop group na kilala sa mga hit songs tulad ng “Pantropiko” at “Karera.” Bilang miyembro ng BINI, abala si Gwen sa kaliwa’t kanang shows, concerts, at international performances ng grupo. Maliban dito, aktibo rin siya sa social media kung saan patuloy siyang minamahal ng fans dahil sa kanyang kakulitan at pagiging natural.
Ang BINI ay tinaguriang "Nation's girl group" na sikat na sikat ngayon. Binubuo ito nina Aiah, Maloi, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Samantala, kamakailan lamang ay naghain ng pormal na reklamo nitong Lunes sa Hall of Justice ng Sta. Rosa, Laguna ang walong miyembro ng OPM girl group na BINI, kasama ang kanilang abogado na si Atty. Joji Alonso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh