Emman Atienza, nagbigay pahayag ukol sa isyu ng pagiging “nepo baby”
- Emman Atienza, anak ni Kuya Kim, itinanggi na galing sa corruption ang kanyang lifestyle
- Nag-react siya matapos tawaging “nepo baby” ng ilang netizens dahil sa political background ng kanyang pamilya
- Ayon kay Emman, wala umanong kinalaman ang politika sa kanyang immediate family
- Muli siyang naungkat online dahil sa viral “guess the bill” controversy noong nakaraang taon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Social media personality Emman Atienza, anak ng Kapuso host na si Kim Atienza, ay nagsalita laban sa mga akusasyong ang kanyang marangyang lifestyle ay umano’y bunga ng korapsyon. Sa pamamagitan ng isang TikTok post, diretsahang itinanggi ni Emman na galing sa pera ng gobyerno ang kanyang pag-aaral, bahay, mga biyahe, at maging ang kanyang pananamit.

Source: Original
Sa kabila ng pagiging bahagi ng isang kilalang pamilya sa politika, mariin niyang iginiit na wala siyang tinatamasang benepisyo mula rito. “One of the most frustrating pieces of misinformation that was spread about me during the ‘Guess the bill’ controversy when everyone was hating on me in the Philippines—because trust me, there was so much misinformation that I was genuinely considering getting lawyers involved—was that my lifestyle, my schooling, my house, my travels, my clothes, etc., are funded by politicians, are funded by the government, are funded by corruption,” paliwanag ni Emman.

Read also
Gabbi Garcia, ibinahagi ang kanyang travel experiences gamit ang kanyang 'hard-earned money'
Binigyang-diin din niya na kahit may ilang miyembro ng kanyang pamilya sa panig ng kanyang ama na nasa politika, hindi ito nangangahulugan na doon nagmumula ang kanyang luho. “My immediate family has nothing to do with politics,” dagdag pa niya.
Si Emman ay hindi lamang kilala bilang anak ni Kuya Kim kundi apo rin ng dating Manila Mayor Lito Atienza. Ang kanyang tiyahin na si Chi Atienza ay kasalukuyang Vice Mayor ng Maynila, habang si Maile ay councilor. Ang kanyang ina naman na si Felicia Hung-Atienza ay matagumpay na stockbroker, educator, at may-ari ng Chinese International School Manila.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod dito, kilala rin ang kanyang tiyuhin na si Ali Atienza bilang dating councilor ng 5th district ng Maynila at kasalukuyang undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Sa kabila nito, mariing itinanggi ni Emman na may kinalaman ang mga posisyong ito sa kanyang lifestyle.
Naging laman ng usapan si Emman noong nakaraang taon dahil sa kanyang “guess the bill” TikTok challenge. Sa nasabing video, ipinakita nila ng kanyang mga kaibigan ang kanilang ginastos sa isang mamahaling kainan. Para sa ilan, hindi naging maganda ang dating nito at binatikos silang tila ipinagyayabang ang kanilang yaman. Mula noon, madalas na naiuugnay ang pangalan ni Emman sa diskusyon tungkol sa tinatawag na “nepo babies” o mga anak ng kilalang pamilya na may advantage sa buhay dahil sa impluwensya o kayamanan ng kanilang mga magulang.

Read also
Dina Bonnevie, naging emosyonal nang alalahanin si DV Savellano: "Watching him die was traumatic"
Sa kanyang bagong pahayag, malinaw na nais niyang ipakita na ang kanyang lifestyle ay bunga ng sariling pagsisikap ng kanyang immediate family at hindi nakadikit sa isyu ng katiwalian.
Noong 2022, nagbahagi si Kuya Kim Atienza ng larawan kasama ang kanyang anak na si Emman. Sa ulat ng Kami, ipinakita niya ang pagmamalaki sa kanyang anak na mabilis ding sumikat online. Marami ang pumuri kay Emman sa kanyang ganda at confidence, dahilan upang mas lalo pa siyang makilala bilang social media personality.
Samantala, nitong 2023 ay nagsalita na rin si Emman tungkol sa kontrobersyal na ₱123k dinner bill na nag-viral online. Ayon sa ulat ng Kami, ipinaliwanag niya ang panig niya matapos makatanggap ng matinding pambabatikos. Aniya, hindi nila intensyon na ipagyabang ang kanilang ginastos kundi bahagi lamang ito ng kanilang content. Gayunpaman, umani pa rin ito ng halo-halong reaksyon mula sa netizens.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh