K-Drama 'Mary My Husband' star Song Ha Yoon, kinasuhan dahil umano sa school bullying

K-Drama 'Mary My Husband' star Song Ha Yoon, kinasuhan dahil umano sa school bullying

  • Si Song Ha Yoon ng Marry My Husband kinasuhan ng higit P4 bilyon dahil sa alegasyong pambubully noong high school
  • Ang nag-akusa, na tinawag na Oh, ay nagsabing siya’y biktima ng pananakit at ngayon ay magsasampa ng kaso
  • Tumanggi umano si Ha Yoon sa alok na ibang paraan ng pag-aayos kaya’t tuloy ang reklamo
  • Ang kampo ng aktres ay nagsabing wala siyang ginawang karahasan at nagsampa pa ng kasong kriminal laban kay Oh

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Song Ha Yoon/K-Beat Insider and Kdrama Talks on Facebook
Song Ha Yoon/K-Beat Insider and Kdrama Talks on Facebook
Source: Facebook

Aktres na si Song Ha Yoon, na nakilala sa seryeng Marry My Husband, ay kinasuhan ng higit $73 milyon o mahigit P4 bilyon dahil sa alegasyong pambubully noong siya’y nasa high school pa. Ayon sa nag-akusa na tinawag na Oh, nagsasampa sila ng kaso para sa danyos dahil umano sa mental na paghihirap, pagkawala ng kabuhayan, at maling paratang na ipinakalat.

Kwento ni Oh, sinubukan daw niyang magmungkahi ng ibang paraan para maresolba ang usapin, pero tinanggihan umano ito ng aktres. Dahil dito, nagpasiya siyang makipagtulungan sa mga imbestigador at ituloy ang reklamo. Dagdag pa niya, sariling gastos ang kanyang pamasahe at tirahan sa Korea, na balak niyang bawiin sa pamamagitan ng legal na proseso.

Read also

Bianca Gonzalez naglabas ng saloobin ukol sa inequality at corruption sa bansa

Lumabas ang unang paratang sa programang Crime Chief nitong Abril 2024, kung saan isang anonymous na sender ang nagsabing sinaktan siya ng isang aktres sa loob ng mahigit isang oras noong high school. Hindi pinangalanan ang aktres pero ipinakita ang isang blurred photo, at marami ang nagduda na si Ha Yoon ito.

Itinanggi ng dating agency ni Ha Yoon ang paratang at sinabing hindi kilala ng aktres si Oh. Bagama’t umamin silang na-transfer noon si Ha Yoon dahil sa isang school violence case, nilinaw nila na walang kinalaman ito sa reklamo ni Oh.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong Hulyo, inihayag ng legal team ni Ha Yoon na nakapaghain sila ng ebidensya para patunayang peke ang paratang. Nagsampa rin sila ng kasong kriminal laban kay Oh para sa defamation at obstruction of business. Giit ng kanilang pahayag, hindi kailanman nanakit si Ha Yoon kay Oh.

Nakilala si Ha Yoon sa kanyang papel bilang kontrabida sa Marry My Husband, at lumabas din siya sa ibang serye tulad ng Please Don’t Date Him, Touching You, at Fight for My Way.

Read also

Babae sa Davao City kinagat ng sawa habang mahimbing na natutulog

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

67-anyos na magsasaka, natagpuang patay matapos umano’y atake ng king cobra sa Cotabato

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)