Janno Gibbs, umamin sa paulit-ulit na pagtataksil kay Bing Loyzaga: "I'm sorry for all the hurt"

Janno Gibbs, umamin sa paulit-ulit na pagtataksil kay Bing Loyzaga: "I'm sorry for all the hurt"

  • Janno Gibbs humingi ng public apology kay Bing Loyzaga matapos aminin ang paulit-ulit na pagtataksil
  • Bing Loyzaga inamin na ilang beses niyang nahuli si Gibbs, na aniya ay lampas sa bilang ng sampung daliri
  • Mag-asawa nilinaw na layunin ng vlog ay hindi gawing biro o i-glorify ang pambababae
  • Loyzaga binigyang-diin na mahalaga ang pananampalataya at gabay ng pastor sa pagdaanan ang ganitong sitwasyon

Nagbigay ng isang bihirang public apology si actor-singer Janno Gibbs sa kanyang asawang si Bing Loyzaga sa pinakabagong episode ng kanilang vlog. Dito ay inamin niyang paulit-ulit siyang nangaliwa at umaming hindi kayang tumbasan ng kahit ilang beses na paghingi ng tawad ang sakit na kanyang naidulot.

Janno Gibbs, umamin sa paulit-ulit na pagtataksil kay Bing Loyzaga: "I'm sorry for all the hurt"
Janno Gibbs, umamin sa paulit-ulit na pagtataksil kay Bing Loyzaga: "I'm sorry for all the hurt" (📷Janno and Bing/YouTube)
Source: Youtube

Sa nasabing episode, naging lantad ang mag-asawa sa kanilang pinagdaanan. Ayon kay Bing Loyzaga, "Kulang ang 10 daliri ako. Sure ako, magaling ako," sabay tukoy na hindi na mabilang ang beses na nahuli niyang nambabae si Gibbs.

Bago matapos ang vlog, sinigurado ni Gibbs na hindi lamang sa pribadong usapan niya naipaabot ang kanyang pagsisisi kundi maging sa publiko. "Kilala akong ganyan babaero, pabling—dati 'yan ang tawag. Kinukuwento namin ito not to make light of things, hindi para maliitin ang epekto, para pagtawan, most of all hindi para i-glorify ang pambababae. And of course I have apologized to you one million times and it will never be enough," ani Gibbs.

Read also

Babae sa Davao City kinagat ng sawa habang mahimbing na natutulog

Dagdag pa niya: "I'd like the public to hear it that I'm sorry for all the hurt that I've inflicted you. I mean you've heard it from me personally but in front of them."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang tugon, buong tapang na sinabi ni Loyzaga na hindi kailanman magiging tama ang pambababae. "Thank you. I appreciate it. And, I would like to second also like you said, we are not discussing this to say na it's okay. Dini-discuss natin ito because we went through it and beyond it already."

Ipinaliwanag din niya na nais niyang maipaabot sa ibang kababaihan ang aral mula sa kanilang karanasan.

Kasabay nito, nagpasalamat si Loyzaga sa mga pastor na gumabay sa kanya. Sa ngayon, hindi pa malinaw kung magkasama pa rin ang dalawa o tuluyan nang naghiwalay.

Nakilala si Janno Gibbs bilang isa sa mga orihinal na miyembro ng "That's Entertainment," isang youth-oriented variety show noong 1980s. Doon din nagsimula ang pagkakakilala nila ni Bing Loyzaga, na isa ring aktres at dating bahagi ng programa. Sa loob ng kanilang relasyon, madalas silang tampok sa pelikula at telebisyon bilang magkapareha, ngunit hindi rin lingid sa publiko ang mga kontrobersiyang kinaharap nila bilang mag-asawa.

Read also

Kathryn Bernardo at James Reid, magtatambal sa isang teleserye

Kamakailan, naging usap-usapan si Gibbs matapos niyang sagutin ang mga komento sa social media na nagsabing siya ay "enabler" dahil sa kanyang reaksyon sa isang post ng kapwa komedyante na si Gene Padilla. Sa ulat ng Kami.com.ph, pinanindigan ni Gibbs ang kanyang opinyon at sinabing wala siyang intensyon na magbigay ng masamang impresyon.

Isa pang emosyonal na sandali ay ang isinulat na tribute ni Gibbs para sa yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, na kanyang itinuturing na ama. Sa Father’s Day post na ibinahagi niya, ibinahagi niya ang kanilang malapit na ugnayan at kung paano ito nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate