Ellen Adarna kinontra ang isyu ng utang at biglang pag-alis umano sa bansa

Ellen Adarna kinontra ang isyu ng utang at biglang pag-alis umano sa bansa

  • Ellen Adarna, matapang na tumugon sa isang viral post ng The Scoop PH na nagsasabing spotted siya sa airport at tinatangkang umalis sa bansa dala umano ng hiwalayan at malaking pagkakautang
  • Sa kanyang Instagram stories, nilinaw ng aktres na wala siyang kahit anong utang at idiniin na hindi siya maaaring lumipad sa U.S. dahil wala siyang hawak na visa
  • Tinawag niyang “fake news” at sinabayan ng biro ang isyu, habang pinaalalahanan ang nasabing page na huwag mag-imbento ng istorya laban sa kanya
  • Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang kanyang sagot, kung saan marami ang pumuri sa kanyang prangka at diretso na pagtindig laban sa maling balita

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapang na tumugon si Ellen Adarna sa kumalat na maling balita tungkol sa kanya matapos maglabas ng post ang social media page na The Scoop PH. Sa kanilang inilathala, binanggit ang umano’y pag-alis ni Ellen papuntang U.S. sa gitna ng tsismis ng hiwalayan at pagkakabaon sa malaking utang.

Read also

News anchor Julius Babao, nagbigay ng pasasalamat sa kanyang “tunay na kaibigan”

Ellen Adarna kinontra ang isyu ng utang at biglang pag-alis umano sa bansa
Ellen Adarna kinontra ang isyu ng utang at biglang pag-alis umano sa bansa (📷maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Ayon sa post ng page:

"SHOCKING NEWS: ELLEN ADARNA SPOTTED AT THE AIRPORT AMID RUMORS OF BREAKUP AND MASSIVE DEBT IS SHE REALLY TRYING TO ESCAPE? Why is Ellen flying to the U.S. in the middle of intense drama involving a rumored breakup and financial collapse? What's the real story behind the alleged debt? And why did she choose to leave so suddenly? Listen to what she revealed in an exclusive interview with reporters"

Hindi nagpatumpik si Ellen at agad itong pinabulaanan sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories. Aniya:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Hoy umayos kayo the scoop ph.. Wala akong utang ever lol. I dont even have a US Visa because im so praning with all the shooting there. Looool DONT ME. Dami nyong hanash”

Ellen Adarna kinontra ang isyu ng utang at biglang pag-alis umano sa bansa
Ellen Adarna kinontra ang isyu ng utang at biglang pag-alis umano sa bansa (📷maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Ellen na wala siyang kahit anong utang at wala rin siyang hawak na U.S. visa. Pinasaringan pa niya ang nasabing page na huwag gumawa ng haka-haka tungkol sa kanya.

Read also

Eric Quizon, labis ang pasasalamat kay Lea Salonga: "Beyond grateful"

Agad na umani ng atensyon ang sagot ni Ellen mula sa kanyang mga tagasuporta at netizens, kung saan marami ang pumuri sa kanyang pagiging diretso at hindi nagpapaapekto sa maling balita.

Si Ellen Adarna ay isang kilalang aktres at modelo sa Pilipinas. Nakilala siya sa iba’t ibang teleserye at pelikula, at sa mga nakalipas na taon ay naging bukas siya tungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na ang pagiging ina at asawa ni Derek Ramsay. Kilala rin si Ellen sa kanyang matapang at prangkang personalidad, na madalas niyang ipinapakita sa social media.

Kamakailan, naging laman din ng balita si Derek Ramsay, asawa ni Ellen, matapos makumpleto ang isang matinding physical challenge. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, matagumpay na natapos ni Derek ang isang 75km walk sa Bali. Ayon sa kanya, malaking milestone ito dahil bukod sa pisikal na hamon, nakatulong din ito upang mailigtas ang kanyang kaibigan.

Read also

Derek Ramsay, sumailalim sa wellness retreat sa Bali sa kabila ng lumabas na espikulasyon

Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, inamin naman ni Derek na labis siyang nadismaya sa sarili matapos mag-viral ang isang video kung saan naramdaman niyang “nag-fail” siya. Ayon sa aktor, hindi niya inaasahan na magiging usap-usapan ang nasabing video ngunit mas pinili niyang maging tapat sa kanyang naramdaman kaysa itago ang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate