Ogie Diaz sa nababalitang hiwalay na sina Julia at Gerald: "May third party daw"

Ogie Diaz sa nababalitang hiwalay na sina Julia at Gerald: "May third party daw"

  • Nagbigay komento si Ogie Diaz sa nababalitang hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto
  • Isa sa napapansin umanon ng mga netizens ay ang mga post kung saan hindi na nakikitang magkasama ang dalawa
  • Nakarating kay Ogie na tila cool-off daw ang dalawa sa kanilang relasyon
  • Bagama't hindi pa kumpirmado, tila may third party umanong involved sa naturang cool-off

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa kumakalat na balita tungkol sa umano’y hiwalayan o cool-off ng aktor na si Gerald Anderson at aktres na si Julia Barretto.

Ogie Diaz sa nababalitang hiwalay na sina Julia at Gerald: "May third party daw"
Ogie Diaz sa nababalitang hiwalay na sina Julia at Gerald: "May third party daw" (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Ayon sa mga obserbasyon ng netizens, tila hindi na raw nakikitang magkasama ang dalawa sa kani-kanilang mga social media posts, dahilan para umusbong ang espekulasyon hinggil sa kanilang relasyon.

“Ha! Totoo ba ‘yan? Na cool-off daw ‘yung dalawa,” ani Ogie sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel.

Dagdag pa niya, nasabi ng kanyang kanyang source na: “Tanong mo nalang Ogie kung cool off sila. May third party daw.”

Read also

Derek Ramsay, sumailalim sa wellness retreat sa Bali sa kabila ng lumabas na espikulasyon

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t hindi kumpirmado ang balita, umamin si Ogie na may mga impormasyong nakarating sa kanya tungkol sa posibleng pagkakaroon ng third party sa umano’y cool-off.

“Ang nakarating sa atin, iba-iba, di ko alam kung tama ‘yung dinig ko o ibang-iba. Pero alam mo mas magandang sila ang sumagot niyan hindi tayo. Yun lang naman ay nabalitaan natin.”

Sa kabila ng isyung ito, sinabi ni Ogie na mahal pa rin daw ni Julia si Gerald.

“Sana nga sila pa din. Kung cool-off man, siguro break muna ngayon. Parang kami pa rin pero space muna. Pero ang nakarating sa atin, mahal na mahal ni Julia si Gerald. Despite the issue.”

Nilinaw naman ni Ogie na hindi pa ito kumpirmado: “Hindi po ‘yan kumpirmado ha, naibalita lang ‘yan sa akin.”

Dagdag pa niya, base umano sa kanyang source, tila naghihintay lamang si Julia ng tamang panahon para maayos ang relasyon.

Read also

Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court”

“Pero sabi nga ng source ko, parang nag-iintay lang ng sign si Julia. Kasi ‘pag sila na ulit, kailangan kasal na. Kaya kuung mapapansin natin, ang sipag-sipag magtrabaho ngayon ni Julia. Nag-iipon na daw si Julia kasi gusto na niya mag-settle down.”

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Gerald at Julia hinggil sa isyu.

Si Julia Barretto ay isang sikat na aktres at influencer sa Pilipinas. Nagmula siya sa kilalang showbiz clan ng Barretto family. Noong 2024, pinagbidahan niya ang mga pelikulang Un/Happy for You (kasama si Joshua Garcia) at Hold Me Close (kasama si Carlo Aquino), at nominado bilang Best Leading Female sa 2024 Asian Television Awards para sa digital series niyang Secret Ingredient. Siya ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Sa kabila ng kontrobersiya kamakailan nang ikasal ang kapatid niyang si Claudia, nanatiling tahimik si Julia hanggang sa mismong ang ina nilang si Marjorie ang humarap sa publiko upang ipagtanggol ang kanyang mga ank

Read also

Vice Ganda, tinawag ang kanyang FAMAS Best Actor trophy na “biggest clapback”

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa personal na buhay ni Julia. Kamakailan lang, pinabulaanan niyang nag-break sila ni Julia habang naka-usap kay Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon

Sa isang panayam ni Hayb Anzures para sa vlog na Pareng Hayb Studios, nagbukas ng saloobin si Gerald tungkol sa kanyang relasyon. Inamin niyang naging unfair umano siya sa kanyang partner ang alam niyang kinakailangang bumawi siya rito. Sa kabila umano ng hectic schedule, sinabi ni Gerald na patuloy siyang humahanga kay Julia bilang partner, na inilarawan niyang “maalaga, mapagmahal, at inspirasyon.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica