Kathryn Bernardo at James Reid, magtatambal sa isang teleserye

Kathryn Bernardo at James Reid, magtatambal sa isang teleserye

  • Tuloy na tuloy na raw umano ang proyekto nina James Reid at Kathryn Bernardo
  • Nabalitaan umano ni Ogie Diaz na nagti-taping na ang dalawa para sa kauna-unahang pagtatambal na kanilang gagawin
  • Kaya naman napatanong sa publiko si Ogie kung ano ang nararamdaman o reaksyon ng mga ito sa nasabing pagsasama ng dalawa
  • Matatandaang galing sa kani-kanilang love team ang dalawa, ang JaDine at KathNiel

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Tuloy na tuloy na umano ang kauna-unahang pagtatambal ng dalawang bigating Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at James Reid para sa isang teleserye.

Kathryn Bernardo at James Reid, magtatambal sa isang teleserye
Kathryn Bernardo at James Reid, magtatambal sa isang teleserye (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Youtube

Ayon kay Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang balitang nagsimula na raw ang taping para sa proyekto, na agad nagpasabik sa maraming tagahanga.

“Naku, malapit na malapit na yan,”

“This year iti-taping yung Kathryn James Reid, next year ipalalabas. ‘Yun ang nabalitaan ko," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang mga pahayag, tila kumpirmadong tuloy na tuloy ang teleseryeng matagal nang inaabangan ng maraming netizens, lalo na’t ito ang unang pagkakataon na magsasama sa isang proyekto sina Kathryn at James na parehong galing sa matagumpay na love teams, ang KathNiel para kay Kathryn at Daniel Padilla at JaDine naman para kay James at Nadine Lustre.

Read also

Ogie Diaz sa nababalitang hiwalay na sina Julia at Gerald: "May third party daw"

Dahil dito, napatanong si Ogie kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa pagsasanib-puwersa ng dalawa, lalo na’t matagal silang nakilala bilang bahagi ng kani-kanilang tambalan.

Gayunpaman, marami na rin ang nagpapahayag ng excitement at curiosity sa kung anong klaseng chemistry ang makikita sa kanilang bagong teleserye.

Kung pagbabasehan ang mga naunang balita, inaasahang magiging isa ito sa pinakamalaking proyekto ng ABS-CBN sa susunod na taon.

Bukod sa teleserye, parehong abala sina Kathryn at James sa kani-kanilang personal at propesyonal na buhay.

Kamakailan lang ay nagtapos si Kathryn sa isang major international trip matapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan, habang patuloy siyang tumatanggap ng endorsements at nagpe-prepare para sa iba pang pelikulang nakalinya.

Samantala, si James ay patuloy na nagpapatakbo ng kanyang music label na Careless at abala rin sa paggawa ng bagong musika. Kamakailan ay nakipag-collaborate siya sa ilang international artists, na patunay ng kanyang paglawak sa global music scene.

Read also

Pokwang, agad na tinupad ang request ni Kris Aquino: "Lagi kang nasa dasal ko"

Sa pagsasama ng dalawang ito para sa isang teleserye, siguradong magiging malaking usapin ito sa industriya ng showbiz.

Marami na ang umaasa na magdadala ito ng bagong kilig at kakaibang timpla na magugustuhan ng mga manonood.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa kanyang Showbiz Update channel.

Si Kathryn Bernardo ay isang sikat na Filipina actress na nagsimula bilang child star at nakilala sa teleseryeng Mara Clara noong 2010. Mas sumikat siya nang mabuo ang tambalan nila ni Daniel Padilla na tinaguriang KathNiel, na nagbida sa mga hit teleserye tulad ng Got to Believe at Pangako Sa ‘Yo. Isa rin siya sa tinaguriang box-office queens ng bansa dahil sa mga pelikulang The Hows of Us at Hello, Love, Goodbye, Hello Love Again kung saan huli ang naging highest-grossing Filipino film. Bukod sa pag-arte, marami na rin siyang natanggap na acting awards at kinikilalang isa sa pinakamalaking endorsers sa industriya. Hanggang ngayon, patuloy siyang gumagawa ng malalaking proyekto sa telebisyon at pelikula.

Read also

Bayanihan para maihatid ang kabaong sa kabilang pampang dahil sa kawalan ng tulay, viral

Si James Reid ay isang Filipino-Australian actor, singer, at songwriter na unang nakilala matapos maging Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Sumikat siya bilang kalahati ng tambalang JaDine kasama si Nadine Lustre, na nagbida sa hit teleseryeng On the Wings of Love at Till I Met You. Siya rin ay naging matagumpay sa pelikula sa pamamagitan ng mga box-office films tulad ng Diary ng Panget at Never Not Love You. Bukod sa pag-arte, pinasok niya ang industriya ng musika at itinatag ang record label na Careless Music, na naglalayong isulong ang Filipino talents sa global stage. Hanggang ngayon, aktibo siya sa paggawa ng musika at paglahok sa mga international collaborations.

Galing sa kanya-kanyang mga love teams ang dalawa kaya naman tila marami ang nasasabing sa kung ano ang kalalabasan ng kanilang proyekto ngayong tutok na sila sa kanya-kanyang career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica