Derek Ramsay, sumailalim sa wellness retreat sa Bali sa kabila ng lumabas na espikulasyon
- Derek Ramsay kasalukuyang nasa wellness retreat sa Bali Indonesia para sa Kaminoken program kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga workout at yoga routines
- Sa kabila nito, muling uminit ang breakup rumors nila ni Ellen Adarna dahil wala umano ang aktres sa mga nakaraang social media post ni Ramsay
- Sa Instagram, nagbahagi ang aktor ng video call kasama ang anak na si Liana at nangakong “Papa will be home soon” matapos ang halos isang linggong pamamalagi sa Bali
- Samantala, iginiit ni Cristy Fermin na buo at maayos pa rin ang relasyon ng dalawa at tinawag na walang katotohanan ang kumakalat na balitang hiwalayan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpapahinga sa gitna ng “ingay” ng showbiz at social media si Derek Ramsay matapos niyang magpunta sa Bali, Indonesia para lumahok sa isang wellness retreat. Ito ay habang mainit ang mga usap-usapan tungkol sa umano’y hiwalayan nila ng asawa niyang si Ellen Adarna.

Source: Instagram
Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang isang reel kung saan makikitang abala siya sa iba’t ibang fitness at yoga exercises. Kalakip nito ang kanyang caption na puno ng personal na pagninilay: “Stripping away the noise, reconnecting with myself. This experience is a reset for the soul, body, and mind. I was tested beyond comfort and pushed past my limits. At Kaminoken Bali, the body endures, the mind sharpens, and the spirit hardens.”

Read also
Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court”
Batay sa kanyang mga post, halos isang linggo nang nasa Indonesia si Derek. Nitong Lunes, ibinahagi pa niya ang screenshot ng isang video call kasama ang anak niyang si Liana na nilagyan niya ng caption na, “Papa will be home soon.”
Gayunpaman, tila hindi pa rin natatapos ang mga tsismis na hiwalay na sila ni Ellen. Kahit ilang beses nang itinanggi ng aktor at ng aktres ang mga maling ulat, mabilis pa rin itong lumaganap lalo na’t hindi kasama ni Derek si Ellen sa kanyang wellness program abroad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, ipinahayag ni veteran entertainment broadcaster Cristy Fermin sa kanyang radio show na walang katotohanan ang mga kumakalat na breakup rumors. “Mema lang ‘yan. Alam n’yo po, napakaganda mag-handle ng relasyon ni Derek Ramsay. At si Ellen Adarna, kitang-kita naman natin na talagang sumusunod siya. Wala pong katotohanan ito. Hindi po totoo ‘tong mga kuwentong lumalaganap na ito. Maayos sila,” aniya.

Read also
Andi Eigenmann, nakiusap sa kanilang customers sa isla: "Compostable doesn't mean invisible"
Noong Pebrero, pinagtawanan din ni Derek ang isang social media page na nagpakalat ng balitang nagsign umano ng annulment papers si Ellen. Ibinahagi ng aktor ang screenshot nito at nilagyan ng serye ng laughing emojis. Sa panahong iyon, kakatapos lang nilang pabinyagan ang kanilang anak.
Si Derek at Ellen ay ikinasal noong Nobyembre 2021 sa Bataan at kilala sa pagiging bukas sa pagbabahagi ng ilang bahagi ng kanilang married life sa publiko. Sa kabila ng patuloy na ispekulasyon, wala pang bagong opisyal na pahayag mula sa kanila kaugnay ng mga tsismis ng hiwalayan.
Si Derek Ramsay ay isa sa mga batikang aktor sa bansa na kilala hindi lamang sa kanyang mga pelikula at teleserye, kundi pati na rin sa kanyang healthy lifestyle at sports activities. Samantala, si Ellen Adarna ay aktres at model na matagal nang bahagi ng showbiz industry. Ang kanilang relasyon ay naging sentro ng atensyon noong nagsimula ito, at lalo pang naging usap-usapan nang sila ay mabilis na ikinasal noong 2021. Sa kabila ng mga intriga, nananatili silang isa sa mga pinakabinabantayang celebrity couples sa bansa.
Kamakailan, ipinakita ni Derek Ramsay ang kanyang pagiging proud dad sa anak na si Liana sa pamamagitan ng isang sweet Instagram post para sa 10-month milestone ng bata. Pinost niya ang larawan nilang mag-ama kalakip ng mensaheng puno ng pagmamahal. Pinatunayan nito na kahit abala siya sa mga personal at professional commitments, hindi nawawala ang kanyang oras para sa pamilya.
Samantala, hindi rin pinalampas ni Derek ang isa pang fake news tungkol sa kanilang relasyon ni Ellen. Matapang niyang pinabulaanan ang isang ulat na umano’y naghiwalay na silang mag-asawa. Ayon kay Derek, wala itong katotohanan at isa lamang sa maraming maling balitang patuloy na kumakalat online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh