Vice Ganda, tinawag ang kanyang FAMAS Best Actor trophy na “biggest clapback”
- Vice Ganda ipinagdiwang ang kanyang unang FAMAS Best Actor award para sa pelikulang “And the Breadwinner Is…”
- Tinawag niya itong “biggest clapback” matapos ang matinding bashing na naranasan niya kamakailan
- Ayon sa komedyante, ang tropeo ay senyales ng tamang timing ng Diyos upang “i-redeem” siya
- Nagpasalamat siya sa queer community, kay Ion Perez, at sa mga sumuporta sa kanyang laban sa gitna ng kontrobersiya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mainit pa rin ang usapan sa social media tungkol sa makasaysayang pagkapanalo ni Vice Ganda bilang Best Actor sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2024 para sa pelikulang And the Breadwinner Is…. Sa kanyang muling pagbabalik sa entablado ng It’s Showtime noong Sabado, Agosto 23, hindi napigilan ng aktor-komedyante ang maging emosyonal habang ipinapahayag kung gaano kalalim ang kahulugan ng tropeong kanyang natanggap.

Source: Instagram
Sa harap ng madla, idineklara ni Vice Ganda na ang tropeo ay isa sa pinakamalalakas na sagot sa mga pambabatikos na kanyang naranasan kamakailan. “Ang saya saya ko po… That trophy that is the biggest clapback,” aniya, sabay banggit na hindi siya nakatulog matapos ang gabi ng kanyang pagkapanalo.
Ayon sa kanya, ang tropeo ay hindi lamang simpleng pagkilala kundi simbolo ng tamang oras ng Diyos para siya’y panalunin. “Maybe I should have won this award noon pa, pero baka hindi ko kailangan noon. Maybe He made me win because He wanted to redeem me,” dagdag ng komedyante.
Inamin ni Vice na hindi niya alam agad na binabash siya dahil sa kanyang spin sa sikat na “Jet2 holiday” meme kung saan tinalakay niya ang mga sensitibong isyu gaya ng West Philippine Sea at ang pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague. Dahil nagpahinga siya sa social media at nagpunta ng Singapore, huli na niya nalaman ang nangyayaring pambabatikos.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Okay ako kasi hindi ako nagbabasa, pero alam ko kung anong nangyayari. Sabi ko, Lord, hindi ko naman hawak ang cellphone ng mga tao… Sabi ko, Lord, ikaw na bahala sakin. You control me,” pagbabahagi niya.
Sa kabila ng kontrobersiya, dumating sa kanya ang bagong endorsement at ang prestihiyosong FAMAS award. “See? Nanahimik lang ako,” wika niya, na ikinatuwa ng kanyang mga tagasuporta.
a mismong gabi ng parangal, hindi nakalimutan ni Vice Ganda na ialay ang tropeo sa queer community, na matagal nang sumusuporta at nakikiisa sa kanyang laban. Ang kanyang talumpati ay nagsilbing inspirasyon, lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ+ na patuloy na nakikibaka para sa pantay na representasyon sa industriya ng showbiz.
Kilala si Vice Ganda bilang isa sa pinakamalalaking pangalan sa showbiz—mula sa pagiging stand-up comedian, host, recording artist, hanggang sa pagiging box-office star. Sa kabila ng mga bashings at kontrobersiya, nananatili siyang isa sa pinakamatatag at pinakapinagkakatiwalaang personalidad sa industriya. Ang kanyang FAMAS Best Actor award ay hindi lamang tagumpay para sa kanya kundi para rin sa komunidad na kanyang kinakatawan.
Sa isang naunang ulat ng Kami.com.ph, nagpasalamat si Vice Ganda kay Charo Santos matapos makatanggap ng isang heartfelt letter at regalo kasunod ng kanyang panalo. Pinuri ni Charo ang kanyang husay bilang aktor at binigyang diin ang kahalagahan ng kanyang kontribusyon sa sining. Ang mensaheng iyon ay nagbigay pa ng dagdag na inspirasyon kay Vice. Basahin ang buong ulat dito
Samantala, masayang ipinagdiwang din ni Vice Ganda ang kanyang tagumpay sa piling ng mga kaibigan at kapwa artista. Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, makikitang todo ang kanyang pasasalamat at saya, kasama ang pagbabahagi ng ilang behind-the-scenes moments mula sa awards night. Basahin ang detalye rito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh