Video ng kulitan nina Marian Rivera, Judy Ann Santos, at Gladys Reyes, viral
- Si Marian Rivera ay namataan kamakailan lang na todo enjoy sa FAMAS Awards
- Spotted kasi ang Kapuso Primetime Queen nakasama sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes
- Sa video na ipinost ng @officialjudayph sa Instagram, makikita ang kulitan nilang tatlo
- Sa comments, marami ang talagang naaliw sa nakakatuwang moment ng big celebrities
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Marian Rivera, ang tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network, ay kamakailan lamang nagpasaya sa mga tagahanga niya matapos siyang mamataang kasama sa isang masayang sandali kasama sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Source: Instagram
Noong Saturday, August 23, isang video ang ipinost ng @officialjudayph sa Instagram, tampok ang tatlong naggagandahan at respetadong aktres sa prestihiyosong FAMAS Awards nitong taon.
Matatandaang dumalo kasi ang tatlo sa event, at nanalo pa nga si Marian bilang 'Best Actress' dahil sa kanyang kapuri-puring performance bilang Teacher Emmy sa pelikulang Balota.
Sa naturang video na mabilis na naging viral, makikitang game na game sina Marian, Judy Ann, at Gladys habang sabay-sabay silang gumawa ng isang 'nguso' pose. Nilagyan pa ito ng account ng nakakatawang caption na, "Ano ba kasi yung nguso ng Gen Z?"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad na umani ng mahigit 220,000 views ang nasabing video sa Instagram, kalakip ang samu't saring nakakaaliw at positibong komento mula sa netizens:
"Ang gaganda at cucute nilang lahat, grabe!"
"Sana pala magka-movie silang tatlo, yung bonggang project ba."
"Pag nagsama pala sila eh magulo at masaya, they are all beautiful."
"Wow, seldom to see these 3 big female stars, movie queens of their generation, happy to see them all."
"Gandang pagmasdan, walang kaplastikan, walang inggit. Kaya super blessed sila sa lahat ng bagay."
Kitang-kita sa naturang video ang natural na saya at chemistry ng tatlong batikang aktres, dahilan para mas umingay ang hiling ng kanilang mga tagahanga na magsama-sama sila sa isang malaking proyekto sa future.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Marian Rivera ay isang kilalang Filipina–Spanish na aktres at modelo na under ng GMA Network. Umunlad ang kanyang career mula sa pagiging commercial model noong 2005 hanggang sa sumikat siya bilang bida sa remake ng seryeng Marimar. Mula noon, nakilala siya sa iba pang hit series tulad ng Dyesebel, Darna, Amaya, at Temptation of Wife. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kilala si Marian bilang isang award-winning talent. Samantalang sa personal niyang buhay, kasal siya kay Dingdong Dantes, at sila ay may dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagdala ng tuwa at saya si Marian Rivera sa kanyang mga fans. Kamakailan lang ay nag-post si Marian ng panibagong video sa TikTok. Makikitang kumasa siya at si Zia Dantes sa sikat at viral na 'Bugatti' trend. Ngunit nang siya na ang dapat kumasa sa trend, may nakaaliw na nangyari.
Samantalang ay ipinagdiwang ni Marian Rivera ang anniversary ng pagganap niya bilang Marimar. Sa isang taos-pusong post, ibinahagi ni Marian ang isang video na nagpapakita ng kanyang reaksyon matapos matanggap ang sulat mula sa GMA Network tungkol sa serye. Kalakip ng video, binalikan ng aktres ang milestone na ito sa kanyang karera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh