Sagot ng mister ni Donita Rose sa tanong ng aktres sa pagpapapogi, patok sa netizens

Sagot ng mister ni Donita Rose sa tanong ng aktres sa pagpapapogi, patok sa netizens

  • Si Donita Rose ay nag-viral kamakailan lang dahil sa pag-uusap nila ng kanyang mister
  • Sa Instagram, ipinost ni Donita ang convo nila ni Felson Palad tungkol sa pagpapapogi
  • Makikita sa video na pinag-isipan munang mabuti ni Felson ang tanong na ito ng aktres
  • Kalaunan ay sumagot na rin ito at marami ang talagang naaliw sa pagpapakatotoo niya

Si Donita Rose, isang kilalang Filipina actress, ay nagdulot ng buzz online matapos niyang ibahagi ang nakakatuwang video ng kanilang pag-uusap ng kanyang asawa na si Felson Palad.

Sagot ng mister ni Donita Rose sa tanong ng aktres sa pagpapapogi, patok sa netizens
Sagot ng mister ni Donita Rose sa tanong ng aktres sa pagpapapogi, patok sa netizens (@dashofdonita)
Source: Instagram

Noong Wednesday, August 20, nag-upload si Donita ng isang reel sa Instagram page niya na agad nakatawag-pansin sa mga netizen. May caption itong, "My hubby giving me advice about acting 'handsome,'" na lalo pa ngang nagpa-curious sa publiko, lalo na sa mga followers niya.

Sa naturang clip, maririnig si Donita na diretsahang tinanong ang asawa, "Lahat nung mga ex ko, nagpapapogi sila sakin dati. Bakit ikaw hindi ka nagpapapogi sakin?" Matapos ang ilang segundo ng pag-iisip, sinagot siya ni Felson at sinabing mahirap kasi ito i-sustain sa araw-araw, "Kasi hindi ko kayang i-sustain. I'm a business person, I won't go into something I can't sustain."

Read also

JM De Guzman, ipinaliwanag kung bakit si Sue Ramirez ang favorite leading lady niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang hilingin ni Donita na magpogi-pogian si Felson, pinagbigyan siya nito ngunit pabirong sinabi, "Imagine mo kung laging ganun, kadiri." Hindi napigilan ni Donita na itanong, "So mas madali maging pangit?" na sinagot naman ni Felson ng nakakatawa, "Mas sustainable."

Sa comment section, maraming netizens ang natuwa sa pagiging totoo at nakakatawang banter ng mag-asawa. May ilan pang nagkomento na kahit hindi man nagpapapogi si Felson, "handsome man" pa rin siya sa paningin ng marami lalo na dahil sa kanyang natural charm.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Donita Rose ay isang Filipino actress, TV host, at dating MTV Asia VJ. Nagsimula ang kanyang showbiz career noong unang bahagi ng dekada '90 sa pamamagitan ng mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas tulad ng That's Entertainment at Ober Da Bakod, kung saan ginampanan niya ang karakter na si Barbie Doll. Pinalawak ni Donita ang kanyang karera sa international scene nang maging video jockey siya para sa MTV Asia noon. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Eric Villarama noong 2003 at nagkaroon sila ng anak na si Joshua Paul. Naghiwalay ang dalawa noong 2016. Paglaon, ikinasal muli si Donita kay Felson Palad noong 2022.

Read also

Juancho Triviño, kwinestiyon ng misis dahil sa 'nonchalant' reaction niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilan ni Donita Rose ang kanyang emosyon. Napanood kasi niya ang vlog ni Candy Pangilinan kasama ang anak nito na si Quentin, na nagkaroon ng outburst. Nang makita niyang umiiyak si Candy at umamin na siya ay pagod at drained na, ay naging emosyonal din si Donita.

Samantalang aminado si Donita Rose na mahirap nang magpapayat lalo na kung nasa edad 50 na. Ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang realization matapos mabawasan ng 40 pounds at ang pressure bilang public figure. Gayunpaman, binanggit niya na mas mahalaga pa rin ang pagiging mabuti kaysa sa panlabas na anyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco