Heaven Peralejo, nagsalita sa pagiging lead actress ng 'I Love You Since 1892'

Heaven Peralejo, nagsalita sa pagiging lead actress ng 'I Love You Since 1892'

  • Heaven Peralejo nagsalita matapos makatanggap ng negatibong komento ukol sa kanyang pagiging bida sa I Love You Since 1892
  • Ang serye ay unang itinampok noong 2018 bilang MarNella project nina Janella Salvador at Marlo Mortel ngunit naantala bago tuluyang naisakatuparan ngayong 2025
  • Ayon kay Heaven, hindi siya magpapatinag dahil ibinuhos niya ang kanyang buong puso at dedikasyon bilang Carmela at Carmelita sa serye
  • Ipinahayag ng aktres na ang proyekto ay iniaalay niya sa Diyos, sa management, at higit sa lahat sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Diretsahang sinagot ni Heaven Peralejo ang mga puna at batikos na kanyang natanggap matapos italaga bilang lead actress sa pinakabagong serye ng Viva One, ang I Love You Since 1892.

Heaven Peralejo, nagsalita sa pagiging lead actress ng 'I Love You Since 1892'
Heaven Peralejo, nagsalita sa pagiging lead actress ng 'I Love You Since 1892' (📷@heavenperalejo/Instagram)
Source: Instagram

Matapos ilabas ang opisyal na announcement noong Hulyo na siya at si Jerome Ponce ang gaganap bilang pangunahing bida, maraming netizens ang nag-react dahil matagal nang inasahan ng mga tagasuporta na ito ay magiging MarNella project nina Janella Salvador at Marlo Mortel. Ang kanilang onscreen reunion ang matagal nang hinihintay ng mga fans mula pa noong 2018, nang unang ilabas ng ABS-CBN Entertainment ang teaser poster.

Read also

Van driver mula Tayabas, inaresto sa QC dahil umano sa 51 kaso ng panghahalay

Ngunit matapos ang ilang taon ng pagkaantala, iba na ang direksiyon ng proyekto. Sa halip na si Janella at Marlo, si Heaven at Jerome ang piniling magdala ng kuwento, bagay na hindi agad tinanggap ng lahat.

Sa isang panayam, inamin ni Heaven na aware siya sa mga negatibong reaksyon. Gayunman, aniya, mas pinili niyang mag-focus sa kanyang trabaho at sa dahilan kung bakit siya kinuha para sa role.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Oo nga, aktres ako. Ito yung job ko. Mahal ko yung trabaho ko and I shouldn’t be contained with one character na ang ganda-ganda ng istorya,” pahayag ni Heaven.

Dagdag pa niya, ibinuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa proyekto. “So, hindi tayo magpapatinag. Ito ay ginagawa ko bilang Carmela at Carmelita, itong proyekto na ito. Iniaalay ko ito, of course, sa ating Diyos, sa management, and sa mga taong nagmamahal. Du’n tayo dapat nagpo-focus. Dapat positive lang tayo,” dagdag pa ng aktres.

Read also

Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata

Ayon kay Heaven, malaking tulong ang suporta ng kanyang co-star Jerome Ponce at ng kanilang direktor para magkaroon siya ng kumpiyansa. Naniniwala siyang naibigay nila ang kanilang best at dapat ay doon nakatuon ang atensyon ng mga manonood.

Si Heaven Peralejo ay una nang nakilala bilang bahagi ng reality show Pinoy Big Brother, at mula noon ay nagkaroon na ng sunod-sunod na acting projects. Naging leading lady na siya sa ilang teleserye at pelikula, at patuloy niyang pinapatunayan na kaya niyang magdala ng mas malalaking role.

Samantala, ang I Love You Since 1892 ay isang period romance drama na unang ipinakilala noong 2018. Dahil hindi agad natuloy ang production, muling binuo ang proyekto na ngayon ay inilulunsad sa ilalim ng Viva One. Ang pagkakaantala at pagbabago ng cast ang isa sa mga dahilan kung bakit naging sensitibo ang pagtanggap ng fans sa bagong lineup.

Noong Hulyo, napansin ng ilang netizens na hindi na naka-follow si Heaven kay Marco Gallo sa Instagram. Agad itong naging usap-usapan at nagbunsod ng espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Para sa fans, tila may senyales na ng kanilang paghihiwalay noon pa man.

Read also

Bureau of Customs, humingi ng paumanhin kay Bela Padilla sa tax computation issue

Kamakailan lamang, kinumpirma mismo ni Heaven ang breakup nila ni Marco Gallo. Sa parehong panayam, nagbukas ang aktres tungkol sa kanyang naramdaman at kung paano niya hinaharap ang pagbabago sa personal na buhay. Bagama’t mahirap, pinili niyang manatiling matatag at mag-focus sa kanyang career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate