Ivana at Mona, nadismaya sa mga ‘di nagsauli ng pera sa prank: “Baka naman kailangan talaga nila”

Ivana at Mona, nadismaya sa mga ‘di nagsauli ng pera sa prank: “Baka naman kailangan talaga nila”

  • Aminadong nadismaya sina Mona at Ivana Alawi sa pinakabagong prank na kanilang nagawa
  • Sa kanilang social experiment, bibigyang gantimpala nila ang mga taong magsasauli ng kunwaring nahulog na pera ng kanilang kasabwat
  • Laking gulat nila lalo na ni Mona na tila marami ang nagawang ibulsa ang pera sa halip na ibalik ito sa may-ari kahit may pagkakataon pa
  • Gayunpaman, labis silang humanga sa mga taong nagawang magsauli ng pera

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Aminadong nadismaya ang magkapatid na sina Mona at Ivana Alawi sa naging kinalabasan ng kanilang pinakabagong prank na isinagawa kamakailan.

Ivana at Mona, nadismaya sa mga ‘di nagsauli ng pera sa prank: “Baka naman kailangan talaga nila”
Mona and Ivana Alawi (Ivana Alawi)
Source: Youtube

Sa kanilang inilunsad na social experiment sa kanyang YouTube channel, sinubukan ng dalawa ang katapatan ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapahulog ng kunwaring pera ng kanilang kasabwat upang makita kung mayroong magbabalik nito sa tunay na may-ari.

Sa kabila ng inaasahan nilang mas maraming tao ang magpapakita ng katapatan, laking gulat ng magkapatid lalo na ni Mona nang mapansin na mas marami ang nagpasyang ibulsa ang pera kaysa isoli ito, kahit na malinaw na may pagkakataon silang gawin ang tama.

Read also

Food influencers, sugatan matapos salpukin ng sasakyan ang restaurant na kinakainan nila

Ang naturang resulta ang nagdulot ng kanilang pagkadismaya. Gayunpaman, naisip nilang baka naman matindi rin umano ang pangangailangan ng mga taong ito kaya hindi na nila nagawa pang isauli ang pera.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin naman naitago nina Ivana at Mona ang kanilang paghanga sa mga taong piniling maging tapat at agad na nagsauli ng pera.

Bilang gantimpala, pinarami pa nila nang 50 beses ang halagang kanilang ibinigay sa mga taong ito bilang pagkilala sa kanilang integridad. Umabot sa Php25,000-Php50,000 ang kanilang naibibigay sa mga tapat na taong ito.

Nang kanilang usisain, ibinahagi ng ilan sa mga nagbalik ng pera na hindi nila ugali ang kumuha ng hindi kanila. Mayroon ding nagsabing naniniwala sila sa konsepto ng karma na anumang mabuti o masamang gawain ay tiyak na babalik sa kanila.

Partikular namang tumatak sa magkapatid ang isang lalaking nagsauli ng pera sa kabila ng kanyang simpleng pamumuhay.

Aniya, hindi niya malilimutan ang pangaral ng kanyang yumaong ama na huwag kukuha ng hindi kanya. Dagdag pa rito, bagama’t limitado ang kanyang kinikita, pinipilit pa rin niyang magpakain ng mga hayop sa kanilang komunidad.

Read also

“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex

Dahil dito, pinuno nina Ivana at Mona ng papuri ang naturang lalaki na bukod sa katapatan ay may malasakit pa sa kapwa nilalang.

Matatandaang si Ivana Alawi ay kilala na sa paggawa ng mga prank at social experiment na hindi lamang nakatuon sa pagbibigay-aliw kundi nagsisilbi ring paraan upang makatulong sa mga kapos-palad at maipakita ang pagpapahalaga sa mga taong namumuhay nang marangal at patas.

Narito ang kabuuan ng kanyang Dropping money on the street prank:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.

Sa papatapos na Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon, isa si Ivana sa mga naging surpresang house guest ni Kuya. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.

Read also

Magsasaka sa Quezon, pumanaw matapos sumabog ang ipinagyabang na dinamita

Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad at labis na nangangailangan. Kamakailan lamang ay hindi nagdalawang-isip na gumastos ng Php500,000 si Ivana sa pamimimili ng mga cellphone na kalauna'y ipinamigay niya sa mga masusuwerteng tagasubaybay niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: