Ice Seguerra, ibinunyag ang bagay na ikina-frustrate niya bilang NYC chair noon

Ice Seguerra, ibinunyag ang bagay na ikina-frustrate niya bilang NYC chair noon

  • Si Ice Seguerra ay namahagi ng kanyang karanasan bilang chairperson noon ng NYC
  • Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan nila ang National Youth Commission
  • Dito ay nag-open up si Ice sa kanyang mga ikina-frustrate bilang chairperson noon
  • Aniya pa nga niya sa aktres sa kanilang viral interview, "I felt like I'd be cheating the youth"

Si Ice Seguerra, isang icon sa OPM industry, ay ibinahagi ang kanyang naging karanasan bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) noong 2016 sa pinaka-latest na panayam niya kay Toni Gonzaga sa Toni Talks.

Sa kanilang naging pag-uusap, nagsimula muna si Ice na ikuwento ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina na si Caridad "Caring" Yamson-Seguerra, bago sila tuluyang nagbalik-tanaw sa kanyang pagpasok sa pulitika.

Ice Seguerra, ibinunyag ang bagay na ikina-frustrate niya bilang NYC chair noon
Photos: Toni Gonzaga Studio on YouTube
Source: Instagram

"You were appointed as chairperson of the National Youth Commission by PRRD, so pano yun? Ibang challenge yun, from performing to being a chairperson," aniya Toni, na agad na sinagot ni Ice ng, "Yeah, mas ibang challenge siya kasi ito mas rigid. Tayo kasi we own our time, diba?"

Read also

Ruffa Gutierrez, may matinding dahilan kung bakit hindi siya naniniwala sa live in relationships

Nang tanungin kung alin ang mas mahirap sa pagitan ng showbiz at pulitika, naging prangka ang OPM singer at inamin na hindi talaga niya nagustuhan ang mundo ng pulitika noon. Isa sa mga pinakamalaking frustrations niya bilang chairperson ay ang pakiramdam na kailangan pang makiusap o makisama sa ibang politiko upang makakuha ng budget para sa mga proyekto.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mas hindi ko nagustuhan ang politics. Ang di ko maintindihan yung kailangan mong mag-kiss a*s dun sa ibang 'politiko' para lang mabigyan ka ng budget para sa public. Parang bakit? Eh kaya nga tayo nasa public service para mag-serve, diba?" aniya Ice sa panayam nito kay Toni.

Nang diretsahang tanungin ni Toni kung bakit siya nagbitiw noong 2018, naging tapat si Ice at inamin na nakaranas siya ng matinding depression. "Oo, depression. It would've been good, would've been fine, siguro if I felt as if I was doing something with purpose," paliwanag niya.

Read also

Isabel Oli, ibinida ang bonggang '5 Hub Building' ng pamilya ni John Prats

Sa huli, muling binigyang-diin ni Ice ang kanyang frustration sa panahong iyon, at sinabing pinili niyang bumitaw dahil ayaw niyang lokohin ang mga kabataan na dapat niyang pinaglilingkuran.

"I got really frustrated. I stepped down because I felt like I'd be cheating the youth, the young people, if I stayed cause I know I can't give my 100% anymore," pagtatapat niya sa aktres.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ice Seguerra ay isang sikat na aktor at singer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang child star sa segment na 'Little Miss Philippines' sa Eat Bulaga!, at mula noon ay lumabas na siya sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, kabilang ang sikat na Okay Ka, Fairy Ko!. Bukod sa husay niya sa pag-arte, kilala rin siya bilang singer-songwriter. Samantalang noong 2014, nagbago ang kanyang opisyal na pangalan mula Aiza Seguerra patungong Ice Seguerra at ibinunyag na nga niya sa publiko ang pagiging transgender niya.

Read also

Ruffa Gutierrez nang imbitahan ni Mavy Legaspi sa 50th ng ina niya: "I knew I couldn't miss it"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling naghatid ng good vibes si Ice Seguerra sa social media dahil sa video niya. Kamakailan ay nag-react kasi si Ice sa lumang scene nila ng aktor na si Spencer Reyes. Matatandaang si Spencer lang naman kasi ang dating ka-love team ni Ice sa showbiz na kinakiligan ng maraming fans noon.

Samantalang patuloy pa rin sa pagluluksa si Ice Seguerra sa pagpanaw ng kanyang ina. Sa Instagram, nag-post ang OPM singer ng lumang selfie nila ni Mommy Caring. Kalakip nito ay ang nakakaantig na letter ukol sa pagpanaw nito ngayong taon. Aniya nga ni Ice, hanggang ngayon daw ay labis pa rin ang sakit na nadarama niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco