Ruffa Gutierrez nang imbitahan ni Mavy Legaspi sa 50th ng ina niya: "I knew I couldn't miss it"

Ruffa Gutierrez nang imbitahan ni Mavy Legaspi sa 50th ng ina niya: "I knew I couldn't miss it"

  • Si Ruffa Gutierrez ay labis na nagpasaya ng kanyang mga fans sa social media
  • Kamakailan ay nag-post kasi siya ng ilang snaps mula sa 50th ni Carmina Villaroel
  • Aniya Ruffa, inimbitahan daw kasi siya ni Mavy Legaspi upang dumalo sa selebrasyon
  • Sa post, talagang naantig ang marami sa greeting ni Ruffa para kay Carmina

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Ruffa Gutierrez, isang aktres at dating beauty queen, ay labis na ikinatuwa ng kanyang mga fans at followers matapos niyang ibahagi kung paano siya inimbitahan ni Mavy Legaspi para dumalo sa birthday party ng kanyang ina na si Carmina Villaroel.

Ruffa Gutierrez nang imbitahan ni Mavy Legaspi sa 50th ng ina niya: "I knew I couldn't miss it"
Photos: @niceprintphoto via @iloveruffag on Instagram
Source: Instagram

Noong Sunday, August 17, nag-post si Ruffa sa Instagram ng mga opisyal na larawan mula sa engrandeng selebrasyon na kinunan ng Nice Print. Sa mga kuha, makikita ang birthday celebrant na si Carmina na nakasuot ng isang elegant royal blue gown, na talaga namang hinangaan ng marami sa social media.

Kasabay ng mga larawang ito, nagbigay din ng taos-pusong mensahe si Ruffa para sa kanyang kaibigang si Carmina. Aniya, nagsimula ang lahat sa imbitasyon ni Mavy kung kaya't napagtanto niya na hindi niya ito pwedeng ma-miss.

Read also

Rufa Mae Quinto, nag-post ukol sa "celebration of life" para sa mister niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"When @mavylegaspi invited me to @mina_villarroel's 50th, I knew I couldn't miss it. What a night filled with laughter, music, and memories—then we even brought the whole kaboodle pa to @dinewithmedusa," aniya Ruffa.

Dagdag pa ni Ruffa, malaki ang kanyang pasasalamat sa pagkakaibigan nila ni Carmina na nanatiling matatag sa paglipas ng panahon: "So grateful for timeless friendships that have stood the test of time. Happy golden birthday to my ever-beautiful mare, Mina! You deserve all the love and blessings. Love you always!"

Maraming netizens ang nakisaya at nakibati kay Carmina sa comments section ng post, kung saan hindi rin napigilan ng ilan na humanga sa kabataan at ganda pa rin ng mga magkakaibigan na kasama sa larawan.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, hinirang siyang Binibining Pilipinas at naging Second Runner-Up sa Miss World sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, may dalawang anak na babae si Ruffa — sina Lorin at Venice — sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, itinuloy niya ang kanyang edukasyon sa Philippine Women's University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022.

Read also

Ilang pasilip sa 50th birthday celebration ni Carmina Villaroel, viral

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Ruffa Gutierrez dahil sa kanyang interview. Kamakailan ay ininvite ni Anna Magkawas si Ruffa sa kanyang 'Glow Up' podcast. Dito ay tinanong ni Anna si Ruffa tungkol sa una nitong comment sa pagli-live in. Aniya ng aktres, importante raw kasi sa kanya ang space.

Samantalang ay labis na nabigla si Ruffa Gutierrez sa post ni Lorin Gabriella. Kamakailan ay ibinunyag kasi ni Lorin na vinideohan niya ang aktres ng patago. Sa video, makikita ang iba't ibang reaksyon ni Ruffa habang nanonood ng laban. Ang laban na kanyang pinapanood ay ang boxing match ni Pacquiao at Barrios.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco