Ogie Diaz, bukas na makausap muli si Liza Soberano: “Tutulong ako nang walang kapalit”

Ogie Diaz, bukas na makausap muli si Liza Soberano: “Tutulong ako nang walang kapalit”

  • Bukas umano si Ogie Diaz upang makausap muli ang dating alagang si Liza Soberano
  • Aniya, tutulong siya kung sakaling kailanganin ng aktres ng kanyang tulong na wala umano siyang hihinging kapalit
  • Sa araw-araw, maaalala pa rin umano niya ang naging relasyon nila ni Liza bilang manager at talent
  • Kamakailan, gumulantang sa publiko ang vlog ukol kay Liza kung saan naisiwalat ng aktres ang masalimuot na pinagdaanan noong siya'y bata pa lamang hanggang sa naging hiwalayan nila ni Enrique Gil

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Bukas umano si Ogie Diaz na makipag-usap muli sa dating alagang si Liza Soberano matapos ang kontrobersiyal na vlog ng aktres na nagbunyag ng kanyang masalimuot na pinagdaanan.

Ogie Diaz, bukas na makausap muli si Liza Soberano: “Tutulong ako nang walang kapalit”
Ogie Diaz and Liza Soberano (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Sa isang panayam, inihayag ni Diaz na handa siyang makinig at tumulong kay Liza kung sakaling mangailangan ito ng kanyang suporta, kahit walang kapalit.

“Ako sa totoo lang, kung kailanganin ako ni Liza sa kung meron siyang gustong sabihin, kung meron siyang nais na bigyan kumbaga ng closure sa amin, haay naku! I am very willing to talk to her. And kung makakatulong, tutulong tayo nang walang kapalit na porsyento man ‘yan o ano,” pahayag ng talent manager.

Read also

Jillian Ward, nagsalita sa mga ispekulasyon sa kanyang mga naipundar

Dagdag pa niya, nananatili sa kanyang alaala ang magandang samahan nila bilang manager at talent.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Basta at the end of the day, ang lagi kong nare-remember ay ‘yung nagkaroon kami ng relationship bilang manager-talent ng isang Liza Soberano,” ani Ogie.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Diaz na mahalaga para sa kanya ang nakamit na tagumpay at magandang buhay ni Liza sa industriya.

“Alam mo ang importante nalang dito, nabigyan si Liza ng magandang buhay ng industriyang ito. ‘Yun lang naman ‘yun,” dagdag niya.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, ipinahayag din ni Diaz ang kanyang pasasalamat sa naging bahagi ng kanyang buhay ang aktres.

“Basta ako, ang pinagpapasalamat ko pa rin na dumating si Liza sa buhay ko. At malaki rin naman ang naitulong, naiambag sa buhay ko ni Liza at hindi ko ‘yun kinakalimutan,” saad niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay umingay ang vlog ni Liza Soberano kung saan naisiwalat niya ang kanyang pinagdaanan noong kabataan hanggang sa hiwalayan nila ng aktor na si Enrique Gil, na lalong umantig sa damdamin ng publiko.

Read also

“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang Showbiz Update YouTube channel:

Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Sa kontrobersyal na vlog ni Liza Soberano sa YouTube channel na Can I come in? Naging usap-usapan ng publiko ang na-bleep na pangalang nabanggit ni Liza habang nag-aalay ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya. Sinasabi ng marami na tila "Ogie" ang pangalan bagay na pakiramdam mismo ni Ogie Diaz ay hindi siya ang tinutukoy ng dating alaga.

Read also

Ogie Diaz sa pangalang binigkas ni Liza sa kontrobersyal na vlog: "Feeling ko hindi ako ‘yun"

Noong nakaraang taon, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito. Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica