Ilang pasilip sa 50th birthday celebration ni Carmina Villaroel, viral
- Si Carmina Villaroel ay masayang ipinagdiwang ang ika-50 na kaarawan niya ngayong taon
- Ilan kasi sa mga espesyal na sandali sa kanyang birthday party ay nag-viral sa social media
- Isa sa namahagi ng sulyap mula sa party ay ang nobya ni Mavy Legaspi na si Ashley Ortega
- Dahil dito ay agad na naging usap-usapan ang mga post na ito ng ilang mga netizens online
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Carmina Villaroel, isa sa mga kilalang aktres sa lokal na showbiz, ay masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-50 na kaarawan ngayong taon kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.
Ilan sa mga espesyal na sandali mula sa enggrandeng selebrasyon ay ibinahagi ng nobya ni Mavy Legaspi na si Ashley Ortega, at ng pamangkin ni Zoren Legaspi na si Dani Barretto, sa kanilang mga respective na Instagram accounts, bagay na labis na ikinatuwa ng kanilang mga followers.

Source: Instagram
Umantig sa puso ng netizens ang video na ipinost ni Ashley na nagpapakita ng reaksyon ni Carmina nang makita niya ang kanyang mga mahal sa buhay na naghihintay sa loob ng venue. Kitang-kita ang pagka-stunned at pagkabigla ng aktres habang unti-unting nagsi-sink in ang sorpresa sa kanyang espesyal na araw. Kalakip ng video ay ang mensahe ni Ashley: "Happy 50th birthday to this kind-hearted human being! You are loved by many, Tita @mina_villaroel!"
Kasunod nito, nagbahagi rin si Ashley ng isang 4-photo collage kung saan makikitang cute at game na game ang kanilang wacky poses nina Carmina at Mavy na ikinatuwa ng mga netizens.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sa Instagram naman ni Dani, dalawang video ang kanyang ipinost. Ang una ay isang video ni Zoren habang masuyong kinakantahan ang kanyang misis, at ang pangalawa ay isang clip kung saan makikitang kumakanta ang ina ni Zoren na si Hershey Legaspi, kasama mismo si Dani — isang heartwarming moment na labis na ikinagalak ng maraming followers ni Dani.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at puno ng pagmamahal ang pagdiriwang ng 50th birthday ni Carmina ngayong taon. Hindi lamang pamilya niya ang kanyang nakasama noong gabi, kundi pati na rin ang mga tao at kaibigan na tunay na nagmamahal at humahanga sa kanya pati.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Carmina Villarroel ay isang kilalang Filipina actress, TV host, at commercial model na matagal nang nasa mundo ng showbiz. Dahil sa kanyang charm at versatility, nakagawa siya ng iba't ibang uri ng proyekto—mula sa rom-com hanggang drama—na nagpatibay sa kanyang pangalan sa industriya. Bukod sa kanyang matagumpay na karera, kilala rin si Carmina bilang isang mapagmahal na asawa at ina. Ikinasal siya kay Zoren Legaspi noong 2012. Mayroon silang kambal na anak na sina Cassy at Mavy Legaspi, na kapwa na ring lumalabas sa local showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2024 tinawag ni Carmina Villarroel na "adopted son" si Andre Paras na gumanap bilang doktor sa serye. Sa finale press conference ng Abot Kamay na Pangarap, emosyonal na ipinaabot ni Carmina ang kanyang pasasalamat sa buong cast at sinabi niyang mami-miss niya ang mga ito. Ayon kay Carmina, naging biruan na nila ni Andre ang kanilang malapit na samahan at itinuturing na niyang parte ng pamilya ang aktor na parte rin ng serye.
Samantalang noong 2024 din ay nakapanayam si Carmina Villarroel ng ilang mga tao mula sa press kung saan tinanong siya tungkol kay Kyline Alcantara. Isa sa mga tanong nila ay ang posibilidad na magsama sila ni Kyline sa isang proyekto. Dahil dito, napareact ang batikang aktres at tapat na sinagot ang mga tanong ng mga reporter, bagay na naging usap-usapan at umani ng atensyon mula sa mga netizens sa social media dahil sa reaksyon ni Carmina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh