Sabrina M, naghihintay ng public apology mula kay Vice Ganda
- Nasaktan si Sabrina M matapos biruin ni Vice Ganda ang kanyang mapait na nakaraan sa concert na “Super Divas”
- Giit niya, hindi dapat gawing katatawanan ang dati niyang pagkakahuli sa ipinagbabawal na gamot
- Binigyang-diin ng dating s3xy star na matagal na niyang nalampasan ang pagkakamali at nagbagong buhay na siya
- Hinihingi niya ngayon ang isang public apology mula kay Vice Ganda at hiling na huwag na itong maulit pa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi pa rin matanggap ng dating s3xy star na si Sabrina M ang naging biro ni Vice Ganda sa naganap na “Super Divas” concert kasama si Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum. Sa naturang palabas, nabanggit ni Vice ang mga salitang “Pustiso ang ngipin” at “‘Yung nahuli,” na agad ikinasama ng loob ni Sabrina.

Source: Instagram
Ayon sa aktres, masakit para sa kanya na muling ungkatin ang mapait na bahagi ng kanyang nakaraan, lalo na’t matagal na raw niyang tinuldukan ang isyu ng pagkakasangkot niya noon sa ipinagbabawal na gamot.
“Kahit sino ayaw balikan ang mapait na karanasan… trauma sa akin ‘yon, Friend… siya ba gusto niya balikan din ang pagkakabaril sa tatay niya? Ayaw din niya ‘yon for sure, ‘di ba?” pahayag ni Sabrina nang makausap siya sa isang panayam sa telepono.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, hindi alam ni Vice ang tunay na nangyari sa insidente kaya hindi ito dapat gawing biro. “Lalo pa pati ‘yung ‘di magandang nakaraan. Hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari sa pagkakahuli ko kaya huwag niyang gawing biro ‘yun!” ani pa ng dating s3xy star.
Para kay Sabrina, sapat na ang matagal na niyang pananahimik tungkol sa isyu at masakit na muling balikan ito sa harap ng publiko. Kaya naman, malinaw ang kanyang panawagan: “Public apology, YES! And sana huwag na niyang ulitin pa sa kahit na sinong tao na gagawin niyang katatawanan.”
Nakilala si Sabrina M noong dekada ’90 bilang isa sa mga pinaka-mapangahas na s3xy stars. Sumikat siya sa mga pelikulang nagpasikat sa kanyang karera ngunit naging laman din ng mga balita ang kanyang personal na buhay. Isang malaking hamon ang dumating nang masangkot siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, na kalaunan ay naging isa sa mga dahilan ng kanyang pansamantalang pagkawala sa showbiz.
Sa kabila nito, nanumbalik siya sa tahimik na pamumuhay at ilang beses nang nagsalita na pinagsisihan na niya ang mga pagkakamali ng nakaraan. Sa mga panayam, malinaw niyang sinasabi na nais na niyang magpatuloy sa buhay nang malayo sa negatibong isyu.
Noong Abril 2023, lumabas ang balitang may sama ng loob si Katrina Paula kay Sabrina M, ayon sa kolumnistang si Cristy Fermin. Sa ulat ng Kami.com.ph, binanggit na may hindi pagkakaunawaan ang dalawang dating s3xy stars. Hindi malinaw ang pinagmulan ng tampuhan, ngunit inamin ni Cristy na hindi maganda ang nararamdaman ni Katrina kay Sabrina.
Samantala, nitong nakaraang Abril 2024, naalala ni Sabrina M ang yumaong aktor na si Rico Yan sa death anniversary nito. Ayon sa kanyang pagbabalik-tanaw, isa raw si Rico sa mga mababait na artista na nakasama niya noong kasagsagan ng kanyang karera. Ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa mga alaala at pagkakataong nakatrabaho ang aktor bago ito pumanaw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh