Post ni Gardo Versoza tungkol kay Mayor Vico Sotto, viral: "Ang huling baraha"

Post ni Gardo Versoza tungkol kay Mayor Vico Sotto, viral: "Ang huling baraha"

  • Si Gardo Versoza ay naging usap-usapan dahil sa kanyang post tungkol kay Vico Sotto
  • Kamakailan ay ibinahagi kasi ni Gardo ang kanyang honest na pananaw kay Mayor Vico
  • Aniya kasi ng batikang aktor, ang Mayor daw ng Pasig City ang "huling baraha" ng bansa
  • Bukod pa rito ay in-entertain nga rin ni Gardo ang ilang comments ng netizens sa post niya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Gardo Versoza, isang prominenteng aktor sa lokal na showbiz, ay naging usap-usapan online matapos niyang ibahagi sa Instagram ang kanyang paghanga kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Post ni Gardo Versoza tungkol kay Mayor Vico Sotto, viral: "Ang huling baraha"
Photos: @gardo_versoza, @vicosotto on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang post, nag-upload si Gardo ng litrato ni Mayor Vico at nilagyan ito ng caption na agad nag-viral sa kanyang mga fans at followers sa naturang photo-sharing application, "Si Mayor VICO SOTTO, kapakanan ng tao talaga ang inuuna, hindi puro porma. Wala sa edad ang pagiging presidente, nasa hustong edad nga, wala namang pinagkatandaan. Siya na talaga ang huling baraha ng Pinas, kundi pa ASAP, tuluyan ng malulugmok ang ating bansa," isinulat ng aktor.

Read also

Gerald Anderson, pinayuhan ni Ogie Diaz na magsalita ukol sa mga naglabasang fake news

Dahil dito, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon. Ilan sa mga komento ay personal pang sinagot ni Gardo, dahilan para mas lalong umani ng pansin ang kanyang post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang netizen ang nagsabi, "Hi, Gardo. We need more celebrities like you to awake the Filipinos' sense of patriotism that has lost its essence since some politicians' principle," na agad namang pinasalamatan at sinagot ng aktor: "Salamat po, mawawalan kasi ng saysay ang pagiging pagasa at kinabukasan ng mga kabataan kung hahayaan lang mamayagpag ang mga kawatan."

May isa ring netizen na nagpahayag ng pag-asa na balang araw ay tatakbo si Mayor Vico bilang Pangulo. "Hope 2028 for President Vico Sotto, para makaboto na rin ako habang buhay pa ako," ani nito. Sumang-ayong naman dito ang aktor at sinabing sana ay tumakbo rin si Mayor Vico bilang Pangulo. "Sana nga, the sooner, the better na siya ang maging president. Siya pinapangalanan niya ang mga hindi tapat maglingkod at ang mga walang patawad kung mangurakot," say niya.

Read also

Ogie D, nausisa kung maaring maging manager ni Elias J. TV

Dahil sa kanyang bukas na komento, lalong umani ng suporta si Gardo mula sa publiko, na nagpahayag din ng paghanga sa tapang ni Mayor Vico at sa paninindigan ng aktor.

Post ni Gardo Versoza tungkol kay Mayor Vico Sotto, viral: "Ang huling baraha"
Screenshot mula sa Instagram ni @gardo_versoza
Source: Instagram

Si Gardo Versoza ay isang batikang aktor sa Pilipinas. Kalaunan ay napatunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte, kaya't bumida at gumanap sa iba't ibang genre ng palabas — mula sa drama at aksyon hanggang sa komedya. Madalas siyang mapanood bilang kontrabida o ama sa mga teleserye, at nakilala sa kanyang matikas na tindig at malakas na screen presence. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, kilala rin si Gardo sa kanyang pagiging mapagmahal na asawa at ama, pati na rin sa pagiging malapit sa kanyang mga tagahanga. Bukod pa riot ay aktibo siya sa social media kung saan ibinabahagi niya ang kanyang personal na buhay at mga karanasan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2024, nagbahagi si Gardo Versoza ng isang quote card na umano'y mula kay Dolphy. Sa naturang quote card, nagsalita ang yumaong Comedy King tungkol sa pagpasok sa mundo ng pulitika. Ayon kay Dolphy, "Baka mapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko." Matapos lumabas ang balitang ito, maraming netizens ang naka-relate sa post ni Gardo at sa kahalagahan nito.

Read also

Reaksiyon ni Ruffa Gutierrez matapos siyang tawaging “Ruffa Mae” sa event, kinaaliwan

Samantalang sa parehong taon, tinamaan din sa damdamin ng netizens ang isang post ni Gardo Versoza. Naalala niya ang mga panahon ng pagtatrabaho nila ni Jaclyn Jose at ibinahagi ito sa social media. Nag-upload si Gardo ng isang lumang eksena na ginawa niya kasama ang yumaong aktres. Ngunit ang lalong nakaantig sa puso ng netizens ay ang sinabi ni Gardo na ang eksenang iyon ay napapaiyak na ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco