Heart Evangelista, emosyonal sa latest endorsement: “Little Heart, this one’s for you”

Heart Evangelista, emosyonal sa latest endorsement: “Little Heart, this one’s for you”

  • Ibinahagi ni Heart Evangelista sa social media ang kaniyang bagong endorsement sa McDonald’s Philippines
  • Nag-upload siya ng behind-the-scenes photos mula sa shooting ng kaniyang ad para sa sikat na fast food chain
  • Pinuri at pinasalamatan niya ang McDo sa ibinigay na pagkakataon, na tinawag niyang “another dream come true”
  • Ang bagong ad ni Heart ay lumabas sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng dating McDo endorser na si Vice Ganda

Masayang ibinalita ni Heart Evangelista ang kaniyang bagong proyekto bilang isa sa mga pinakabagong mukha ng McDonald’s Philippines. Sa Facebook post nitong Agosto 15, ibinahagi ng Kapuso actress at fashion icon ang kaniyang excitement at pasasalamat sa brand.

Heart Evangelista, emosyonal sa latest endorsement: “Little Heart, this one’s for you”
Heart Evangelista, emosyonal sa latest endorsement: “Little Heart, this one’s for you” (📷@iamhearte/IG)
Source: Instagram

“Another dream come true. Little Heart, this one’s for you,” ayon sa caption ni Heart, na kalakip ang ilang behind-the-scenes photos mula sa shooting ng kaniyang ad sa loob mismo ng isang McDonald’s branch.

Bumuhos ang pagbati mula sa kaniyang fans at kaibigan sa industriya, lalo na’t kilala si Heart bilang isa sa pinaka-in-demand na endorsers sa bansa. Sa parehong post, hindi rin nakalimutang magpasalamat ng aktres sa McDo sa ibinigay na tiwala at oportunidad:

Read also

Liza Soberano, emosyonal sa pagbabalik-tanaw: “I was the family dog”

“I can’t even put into words how much love and gratitude I feel right now. @mcdo_ph, thank you for all the love you’ve given me, I can’t wait to share that with everyone,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“The best dreams are the ones we get to pay forward,” ani Heart, na tila nagpapahiwatig ng kaniyang plano na ibahagi ang biyayang natanggap.

Ang pagpasok ni Heart bilang bagong endorser ng McDo ay kasabay ng mainit na isyu sa dating endorser na si Vice Ganda. Matatandaang nanawagan ang ilang Duterte supporters na i-boycott ang lahat ng brand na ineendorso ng komedyante matapos nitong banggitin ang “The Hague” at “ICC” sa isang biro sa kaniyang concert, na sinundan pa ng pag-gaya sa dating Pangulo at pagmumura.

Hanggang ngayon, walang pahayag mula kay Vice Ganda o sa McDonald’s kung tuluyan nang napalitan ang komedyante bilang endorser ng brand. Gayunpaman, tila walang kinalaman ang kontrobersiyang ito sa tuwa ni Heart sa kaniyang bagong proyekto.

Read also

Neil Arce, natanong tungkol kay Angel Locsin: "She's taking online classes"

Si Heart Evangelista ay isa sa pinakasikat na aktres sa bansa na kilala rin sa kaniyang world-class fashion sense. Bukod sa showbiz, isa rin siyang visual artist at kilalang brand ambassador para sa mga international luxury brands. Sa loob ng higit dalawang dekada sa industriya, nakapag-ipon siya ng malawak na fanbase sa Pilipinas at abroad.

Sa isang panayam, sinagot ni Heart ang mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa umano’y alitan niya sa glam team ni Pia Wurtzbach. Nilinaw ng aktres na walang personal na issue sa beauty queen at ipinahayag ang respeto sa kapwa artista. Para kay Heart, mas mahalaga ang focus sa trabaho kaysa sa mga intriga.

Ipinagdiwang ni Heart ang kaniyang ika-23 taon sa showbiz sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kaniyang mga naging proyekto at achievements. Mula sa pagiging teen star, naging isa siya sa pinakakilalang fashion icons sa Asia. Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kaniya mula noon hanggang ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate