Katrina Halili, nakiusap sa publiko ukol kay Katie: "Maawa kayo sa akin at sa bata"

Katrina Halili, nakiusap sa publiko ukol kay Katie: "Maawa kayo sa akin at sa bata"

  • Si Katrina Halili ay naging usap-usapan online matapos niyang ibahagi ang kanyang saloobin
  • Kamakailan ay nagsulat si Katrina ng mahabang mensahe tungkol kay Katie sa Facebook
  • Dito ay nakiusap si Katrina sa publiko tungkol sa pangungunsinti umano sa kanyang anak
  • Aniya Katrina, ito na raw ang "last chance" na ibinibigay niya sa publiko patungkol kay Katie

Si Katrina Halili, isang Kapuso actress, ay naging usap-usapan online matapos niyang ibahagi sa Facebook ang kanyang saloobin tungkol sa anak na si Katie at sa pangungunsinti umano ng iba.

Noong Wednesday, August 13, nag-post si Katrina sa social media platform ng isang litrato ni Katie noong bata pa ito. Kasabay nito ay isang mahabang mensahe kung saan ipinaabot niya ang kanyang pag-asa na magkaisa ang mga netizens na sumusubaybay sa kanyang mga post.

Katrina Halili, nakiusap sa publiko ukol kay Katie: "Maawa kayo sa akin at sa bata"
Katrina Halili, nakiusap sa publiko ukol kay Katie: "Maawa kayo sa akin at sa bata" (@katrina_halili)
Source: Instagram

"Sana po lahat tayo iisa ang goal [na] maging masayahin, mapabuti, maging marespeto si Katie. Next month po [ay] 13 years old na siya. Paki-usap po, kung talagang mahal niyo si Katie, turuan natin maging independent, at wag i-tolerate yun mga mali, tantanan na po," ani Katrina.

Read also

Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito

Ayon pa sa aktres, ito na ang huling pagkakataon na ibinibigay niya sa publiko tungkol kay Katie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Maawa kayo sa akin at sa bata. Mahirap po para sa akin na hindi tayo iisa, last chance na po ito, kundi, hindi niyo na siya makikita. Iba po ang mahal, sa pag kunsinti ng mga hindi na tama."

Sa pagtatapos ng post, nilinaw ni Katrina ang dahilan kung bakit hindi niya ito prinivate.

"Sa mga nagtatanong ba't hindi ko ito i-private, ilang taon ko na po itong problema. Para ipaalam ko sa post na 'to na seryoso po ako. Wala rin pong nang-bully kay Katie. Wag niyo po isipin yan. Mag-13 na po siya, kailangan na po mag-mature. I know yun mga ausome mom, lalo yun din, ang isa sa gustong mangyari sa mga anak nila," paliwanag ng Kapuso actress sa kanyang viral post.

Sa kanyang bukas na mensahe, malinaw ang hangarin ni Katrina na magtulungan ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak, lalo na sa paghubog ng pagiging responsable at respetado nito.

Read also

Gerald Anderson, pinayuhan ni Ogie Diaz na magsalita ukol sa mga naglabasang fake news

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis na nagpasalamat si Katrina Halili sa Kapamilya star na si Ivana Alawi. Ibinahagi kasi ni Katrina ang pagbisita nila kay Ivana nito lamang. Aniya Katrina, napaka-genuine daw talaga ni Ivana lalo na pagdating kay Katie. Sa kanyang post, ibinahagi ni Katie kung gaano kabait si Ivana sa kanila.

Samantalang ay muling nagpakatotoo si Katrina Halili tungkol kay Katie sa isang Q&A vlog. Kamakailan ay nag-post kasi si Katrina ng isang video sa kanyang channel. Sa nasabing vlog, nagbasa si Katrina ng ilang mga tanong mula sa mga fans. Karamihan dito ay mga tanong tungkol sa kanyang cute na anak na si Katie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco