Netizens, naantig sa suporta ni Alex Gonzaga sa pagbubuntis ni Bea Borres

Netizens, naantig sa suporta ni Alex Gonzaga sa pagbubuntis ni Bea Borres

  • Kinumpirma ni Bea Borres, 22, sa isang vlog na siya ay buntis sa kanyang unang anak
  • Kabilang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa mga unang nakaalam at nagbigay ng suporta
  • Pinuri ng netizens si Alex Gonzaga sa pagtatago ng balita hanggang handa nang maglabas ng pahayag si Bea
  • Nagpakita rin ng suporta kina Bea sina Zeinab Harake at Mommy Oni

Matapos ang ilang linggong usap-usapan at haka-haka, tuluyan nang kinumpirma ng content creator at aktres na si Bea Borres, 22, na siya ay buntis sa kanyang unang anak. Isa sa mga unang nakakaalam ng kanyang pagbubuntis ay ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada, na nagkataong kasama niya nang magpositibo sa pregnancy test.

Netizens, naantig sa suporta ni Alex Gonzaga sa pagbubuntis ni Bea Borres
Netizens, naantig sa suporta ni Alex Gonzaga sa pagbubuntis ni Bea Borres(📷Screenshot from Bea B./YouTube)
Source: Youtube

Sa vlog ni Bea, ikinuwento niyang matapos ang collaboration filming nila ni Toni Fowler, binanggit niya na delayed ang kanyang buwanang dalaw ng limang araw. Pinayuhan siya ni Mommy Oni na mag-pregnancy test na rin, at doon niya nalaman ang balita. Nasa lugar din noon sina Alex at Mikee, at sabay-sabay nilang nakita ang dalawang guhit sa test kit.

Read also

Ogie D, nausisa kung maaring maging manager ni Elias J. TV

Mismong si Alex ang unang naniwala na buntis nga si Bea at agad siyang nagbigay ng payo kung paano ito mapapatunayan nang opisyal sa pamamagitan ng medical consultation. Ikinuwento rin ni Bea na agad niyang tinawagan ang matalik na kaibigang si Andrea Brillantes na labis na naiyak sa tuwa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa comment section ng vlog, maraming netizens ang humanga kay Alex dahil sa kanyang tahimik ngunit solidong suporta kay Bea. Sa kabila ng ilang linggong pag-aabang ng publiko, pinili ni Alex na manatiling tikom ang bibig at hintayin na si Bea mismo ang mag-anunsyo. May ilan pang netizens na nagpaabot ng hiling para sa mag-asawang Alex at Mikee na magkaanak na rin, matapos ang ilang beses na nilang nabigong magbuntis.

Bukod kay Alex at Mikee, nakatanggap din si Bea ng mensahe ng suporta mula kina Mommy Oni at Zeinab Harake. Maging si Zeinab ay nagbigay ng lakas ng loob kay Bea na huwag mahiya at pinangakuan pa siyang magiging “ninang” sa kasal.

Read also

Reaksiyon ni Ruffa Gutierrez matapos siyang tawaging “Ruffa Mae” sa event, kinaaliwan

Si Alex Gonzaga ay isa sa pinakasikat na TV host, vlogger, at aktres sa Pilipinas, kilala sa kanyang comedic timing at close ties sa kapwa celebrities. Ikinasal siya kay Mikee Morada noong 2021 at mula noon ay bukas sa publiko sa kanilang journey tungo sa pagiging magulang. Kilala rin si Alex sa pagbibigay suporta sa mga kaibigan, lalo na sa mga mahahalagang yugto ng kanilang buhay, tulad ng ipinakita niya kay Bea Borres.

Nag-post si Alex Gonzaga ng isang sweet at nakakatawang pagbati para sa kanyang pamangkin na si Polly sa ikalawang kaarawan nito. Ibinahagi niya ang ilang adorable photos at videos kasama si Polly, at pinasalamatan din ang pamangkin sa saya na dala nito sa kanilang pamilya. Maraming fans ang natuwa sa pagiging cool tita ni Alex (basahin dito).

Magkapatid na Toni at Alex Gonzaga parehong nagpaabot ng kanilang pagmamahal sa pamangkin na si Polly sa espesyal na araw nito. Sa kanilang social media posts, nagbahagi sila ng mga larawan at mensahe ng pagmamahal, na umani ng maraming heartwarming reactions mula sa followers. Pinuri rin sila ng netizens sa pagiging close-knit family (basahin dito).

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: