Iwa Moto, sinupalpal ang basher sa live selling: "Ako mismo makakalaban mo"
- Si Iwa Moto ay nag-viral kamakailan lang dahil sa pagsagot niya sa isang basher
- May nag-post kasi ng video ni Iwa kung saan sinupalpal niya ang basher sa live-selling
- Aniya Iwa, hindi raw dapat minamaliit ng iba ang mga taong kumikita sa live-selling
- Say pa nga ng dating aktres, "Marangal na trabaho 'to, okay? Lahat ng klase ng trabaho"
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
[PAALALA]: Ang article na ito ay may nilalaman na maaaring sensitibo (i.e. explicit language). Maingat na pagpapasya ang ipinapayo.
Si Iwa Moto, isang dating aktres, ay muling napunta sa spotlight matapos mag-viral sa Reddit ang isang snippet mula sa isa sa kanyang mga recent na live-selling videos. Ang naturang clip, na ibinahagi ni WinterIce25 sa r/PinoyVloggers, ay isang 2-minute video kung saan maririnig si Iwa na sinasagot ang isang basher na minaliit ang kanyang ginagawang pagla-live selling online.

Source: Instagram
"I chose to stay here at home, do live selling so I can earn, plus be with my family. So guys? Wag na wag na wag niyong mamaliitin ang mga online sellers," panimula ni Iwa, bago diretsahang sinupalpal ang basher na tila minamaliit ang pagla-live selling. Aniya Iwa, isang 'decent job' daw ang pagla-live selling at hindi ito scam, "We are working our a*ss off, we are doing our best, and we are not hurting anyone, okay? This is a decent job, hindi katulad nung mga scam, mga ganyan?"
Binigyang-diin pa ng dating aktres na mali ang manghusga at magmataas sa trabaho ng ibang tao. "B*tch, no. You do not do that. Not here, not in my platform, okay? So go to Pluto. Never, never underestimate any job. Any job! Mapa-janitor, kahit ano pa yan, puny*ta, marangal na trabaho 'to, okay? Lahat ng klase ng trabaho," say ni Iwa, na in-emphasize ang halaga ng bawat trabaho.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa gitna ng kanyang rant, tinanong pa niya ang basher kung alam ba nito kung ano ang naiaambag ng pagla-live selling niya sa kanyang pamilya pati. "Ikaw? Lahat ng trabaho na tama at marangal? Wag na wag niyo mamaliitin. Maliit man yan o malaki," aniya ng dating aktres.
Sa pagtatapos ng video, muling nagpaalala si Iwa: "Never ever, lalo na yun mga naghihirap, yung nagsusumikap? Never ever na mamaliitin, lalo na sa platform ko, ako mismo makakalaban mo."
Ang kanyang matapang na paninindigan ay umani ng papuri mula sa mga netizens at viewers ng live na sumuporta sa mensaheng huwag maliitin ang kahit anong marangal na trabaho ng iba.
Panoorin ang video sa ibaba (original source mula kay WinterIce25 sa r/PinoyVloggers):
Si Iwa Moto ay isang Filipina actress at dating reality show contestant na unang nakilala sa StarStruck, ang artist search ng GMA Network. Matapos ang kanyang exposure sa StarStruck, nakilala si Iwa bilang kontrabida sa iba't ibang teleserye gaya ng Kung Mahawi Man ang Ulap at Darna. Bukod sa pag-arte, lumabas din siya sa iba't ibang magazine covers at naging bahagi ng iba pang TV programs. Sa paglipas ng panahon, unti-unting umalis si Iwa sa showbiz spotlight at mas nagtuon ng oras sa kanyang personal na buhay. Siya ay partner ni Pampi Lacson, anak ni dating senador Panfilo Lacson, at may dalawa silang anak na sina Eve o Mimi at si Caleb Jiro.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong January, nag-post si Iwa Moto sa Instagram at nagbahagi ng isang quote. Tila sumasagot ito sa mga taong madalas magsabing maswerte ang babae. Ayon sa quote, ang babae ay nagsusumikap, nawalan ng mga mahal sa buhay, nagpuyat, at minsan ay umiiyak na lang hanggang makatulog. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-share naman si Iwa ng meaningful quote online.
Samantalang noong 2024, ginunita ni Iwa Moto ang first death anniversary ni Yzabel Ablan. Sa Instagram niya, nag-upload si Iwa ng mga larawang kuha niya sa puntod ni Yzabel. Batay sa mga larawan, nagdala pa si Iwa ng isang bouquet ng bulaklak. Sa caption, ipinahayag niya kung gaano niya nami-miss si Yzabel. Mahalagang banggitin na minsang naging karelasyon ni Iwa ang ama ni Yzabel na si Mickey Ablan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh