Ice Seguerra, napasigaw habang pinapanood ang lumang video nila ni Spencer Reyes: "Kawawa"
- Si Ice Seguerra ay muling naghatid ng good vibes sa social media dahil sa video niya
- Kamakailan ay nag-react kasi si Ice sa lumang scene nila ng aktor na si Spencer Reyes
- Matatandaang si Spencer lang naman kasi ang dating ka-love team ni Ice sa showbiz noon
- Ang naging reaksyon talaga ni Ice sa kanilang "sweetness" ay kinagiliwan ng marami
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Ice Seguerra, isang OPM icon, ay muling naghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga matapos mag-react sa isang lumang video niya kasama si Spencer Reyes, ang dati niyang ka-love team sa showbiz. Habang pinapanood ang eksena, agad nang mapapansin ang nakakatawang ekspresyon ni Ice, tila nagtatanong kung bakit nga ba siya nabigyan noon ng love team sa lokal na aliwan.

Source: Instagram
"Ba't ba ako binigyan ng love team? Kawawa naman si Spencer," biro ng mang-aawit, na agad ikinatawa ng mga netizen sa comment section na tila kinikilig pa rin sa kanilang eksena noon.
Habang tumatagal ang pinapanood na eksena, mas naging nakakaaliw ang mga reaksyon ni Ice. Nang dumating ang bahagi kung saan hinalikan siya ni Spencer sa pisngi, hindi napigilan ni Ice na mapasigaw—na lalo pang ikinatawa ng mga nanonood. Ilan sa mga komento ng netizens ay:
"Eh bakit ba nakakakilig pa rin kayo haha."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Grabe yun pag-cringe niya HAHAHAHA aliw."
"Uy pero kinilig talaga ako sa inyong dalawa noon!"
"The love team we failed to protect, nako! Charot!"
"Yung tawa ko dun sa 'kawawa naman si Spencer' daw HAHAHAH!"
Mahalagang banggitin na noong 2007, unang nag-out si Ice bilang isang lesbían, at kalaunan ay nag-come out na nga bilang transgender man noong 2014. Simula noon, kabilang na si Ice sa listahan ng mga kilalang personalidad sa local showbiz na bahagi ng LGBTQIA+ community.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Ice Seguerra ay isang sikat na aktor at singer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang child star sa segment na 'Little Miss Philippines' sa Eat Bulaga!, at mula noon ay lumabas na siya sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, kabilang ang sikat na Okay Ka, Fairy Ko!. Bukod sa husay niya sa pag-arte, kilala rin siya bilang singer-songwriter. Samantalang noong 2014, nagbago ang kanyang opisyal na pangalan mula Aiza Seguerra patungong Ice Seguerra at ibinunyag na nga niya sa publiko ang pagiging transgender niya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay patutuloy pa rin sa pagluluksa si Ice Seguerra sa pagpanaw ng kanyang ina. Sa Instagram, nag-post ang OPM singer ng lumang selfie nila ni Mommy Caring. Kalakip nito ay ang nakakaantig na letter ukol sa pagpanaw nito ngayong taon. Aniya nga ni Ice, hanggang ngayon daw ay labis pa rin ang sakit na nadarama niya.
Samantalang hindi napigilan ni Ice Seguerra na mag-react sa kumakalat na fake news tungkol sa kanya. Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Ice ang isang social media card na naglalaman ng maling impormasyon na sinasabing siya ay buntis. Sa caption ng kanyang post, pinabulaanan ng singer-songwriter ang nasabing claim at tila nagbiro pa nga online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh