Gerald Anderson, pinayuhan ni Ogie Diaz na magsalita ukol sa mga naglabasang fake news

Gerald Anderson, pinayuhan ni Ogie Diaz na magsalita ukol sa mga naglabasang fake news

  • Pinayuhan ni Ogie Diaz si Gerald Anderson na magsalita na
  • Ito ay kagunay sa kabi-kabilang fake news umano na may kaugnayan sa aktor
  • Aniya, bagama't fake news ang mga ito, mainam na kay Gerald mismo manggaling ang pagpapabulaan ng sa mga ito
  • Ilan sa mga nagsulputang isyu 'di umano kadikit ng pangalan ni Gerald ay ang pagkakaroon umano nito ng anak sa aktres na si Arci Munoz gayundin sa singer na si Gigi De Lana

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, binatikos ni Ogie Diaz ang pagkalat ng umano’y pekeng balita tungkol kina Gerald Anderson at Gigi De Lana.

Gerald Anderson, pinayuhan ni Ogie Diaz na magsalita ukol sa mga naglabasang fake news
Gerald Anderson (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, ilang online posts ang nagsasabing lihim na ikinasal ang dalawa at mayroon pa umanong anak si Gerald kay Arci Muñoz, gayundin kay Gigi.

“Dire-diretso sila ha, dire-diretso silang naglalabas ng mga fake news,” ani Ogie, na halatang dismayado sa walang preno at walang basehang mga tsismis.

Read also

Ogie D, nausisa kung maaring maging manager ni Elias J. TV

Dagdag pa niya, kahit malinaw na peke ang mga ulat, maaaring may mga netizen pa ring maniwala, lalo na kung hindi nila titingnan ang kredibilidad ng pinagmulan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinunyag pa ng TV host na kapag na-click ng mambabasa ang comment section ng naturang mga post, sa halip na makarating sa isang tunay na balita, napupunta sila sa mga online shopping sites.

Dahil dito, naniniwala si Ogie na posibleng ginagamit lamang ang pangalan ng mga artista para mag-akit ng traffic at kita.

Paalala niya sa publiko, nararapat na i-report ang ganitong uri ng mga pahina upang mapahinto ang pagpapakalat ng maling impormasyon. “Feeling ko meron talagang isang grupo na sumisira kay Gerald,” dagdag niya, sabay panawagan kay Anderson na linawin na ang mga tsismis upang tuluyang humupa ang isyu.

"Kaya dapat ito, nililinaw na rin ni Gerald Anderson. Na once and for all linawin na niya yung mga lumalabas na ito... Halata mo talagang peke."

Read also

“Hindi naman si nanay ang nagsulat ng script” – Pokwang sa bashers ni Vice Ganda

Sa huli, muling idiniin ni Ogie na mahalaga ang pagiging mapanuri at huwag basta-basta magpapaloko sa mga post na may halata umanong clickbait.

Para sa kanya, mas mainam na hanapin ang mga totoong source ng balita kaysa magpabulag sa mga mapanlinlang na headlines.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa personal na buhay ni Julia. Kamakailan lang, pinabulaanan niyang nag-break sila ni Julia habang naka-usap kay Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon

Read also

Grade 11 na estudyante, inaresto matapos umanong barilin ang kanyang teacher

Sa isang panayam ni Hayb Anzures para sa vlog na Pareng Hayb Studios, nagbukas ng saloobin si Gerald tungkol sa kanyang relasyon. Inamin niyang naging unfair umano siya sa kanyang partner ang alam niyang kinakailangang bumawi siya rito. Sa kabila umano ng hectic schedule, sinabi ni Gerald na patuloy siyang humahanga kay Julia bilang partner, na inilarawan niyang “maalaga, mapagmahal, at inspirasyon.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica