Cristy Fermin bumuwelta sa biro ni Vice Ganda: “Hindi kami nag-iimbento ng kuwento!”

Cristy Fermin bumuwelta sa biro ni Vice Ganda: “Hindi kami nag-iimbento ng kuwento!”

  • Bumuwelta si Cristy Fermin sa biro ni Vice Ganda sa Super Divas concert matapos nitong banggitin na mawawalan umano sila ng “content” kung makitang magkasama sina MC Muah at Lassy
  • Ayon kay Cristy, hindi sila gumagawa o nag-iimbento ng kuwento at iginiit niyang may malinaw silang batayan sa kanilang mga komento tungkol sa isyu nina Vice at MC
  • Ipinunto pa ng kolumnista na huwag silang gamitin sa mga ganitong biro at binanggit na alam ni MC ang pinagmulan ng kanilang mga pahayag
  • Nag-ugat ang isyu sa isang vlog ni Vice noong Mayo kung saan kinompronta niya si MC habang nasa Palawan, na kalaunan ay binigyang reaksyon ni Cristy sa kanyang programa matapos makitang umiiyak si MC

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Bumuwelta si batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa biro na binitiwan ni Unkabogable Star Vice Ganda sa “Super Divas” concert. Habang nakikipag-interact sa audience, napansin ni Vice ang kaibigang sina Lassy at MC Muah na nanonood sa kanyang performance.

Read also

“Hindi naman si nanay ang nagsulat ng script” – Pokwang sa bashers ni Vice Ganda

Cristy Fermin bumuwelta sa biro ni Vice Ganda: “Hindi kami nag-iimbento ng kuwento!”
Cristy Fermin bumuwelta sa biro ni Vice Ganda: “Hindi kami nag-iimbento ng kuwento!” (📷One Ph/YouTube)
Source: Youtube

“So you made it,” biro ni Vice sa dalawa, bago pa sundan ng, “Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yong narrative. Mawawalan sila ng content.”

Sa pinakabagong episode ng kanyang programa na “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Agosto 11, agad na sinagot ni Cristy ang naturang patutsada. “Anong content? Ano? Inimbento namin ‘yong kuwento? Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!” giit niya.

Dagdag pa ni Cristy, “Naku, ha! ‘Wag na kayong mag-utuan. At ‘wag n’yo kaming gamitin.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-ugat ang isyu sa pagitan nina Vice at MC mula sa isang vlog episode noong Mayo. Sa nasabing video, kinompronta ni Vice si MC dahil sa umano’y hindi magandang pakikisama habang sila ay nagbabakasyon sa Palawan. Ilang araw matapos ang vlog, sumawsaw si Cristy sa usapan at nagpahayag ng kanyang saloobin. “Masyado akong naapektuhan para kay MC, ‘yong pagluha niya, ‘yong paghagulhol niya,” pahayag ng kolumnista noon.

Read also

Mommy Dionisia, game magpakasal kay Michael Yamson: "May wedding ring na kami"

Bagaman tila biro lamang para kay Vice ang nabanggit sa concert, malinaw na para kay Cristy ay dapat linawin ang panig niya, lalo na’t ipinupunto niyang may batayan ang kanilang komentaryo at hindi ito basta guni-guni.

Isa si Cristy Fermin sa pinakakilalang entertainment columnist at radio/TV host sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang matapang at diretsahang estilo ng pagbibigay ng opinyon sa mga isyu sa showbiz. Matagal na rin siyang personalidad sa industriya at madalas naging sentro ng mga kontrobersiya dahil sa kanyang walang preno na mga pahayag.

Si Jose Marie Borja Viceral, mas kilala bilang Vice Ganda, ay isang komedyante, TV host, at aktor na tinaguriang Unkabogable Star. Kilala siya sa kanyang witty humor at prangkang personality, ngunit ilang ulit na ring nasangkot sa mga isyu dahil sa mga birong hindi nagustuhan ng ilan.

Kamakailan, nag-post ng bail sina Cristy Fermin, Rommel Chika, at Wendell Alvarez kaugnay ng isinampang cyber libel case ni Bea Alonzo laban sa kanila. Ang kaso ay kaugnay umano ng mga naging pahayag nila sa isang vlog episode. Sa kabila nito, nanindigan si Cristy na handa siyang harapin ang kaso.

Read also

Umano’y relasyon nina Gerald Anderson at Gigi De Lana, pinasinungalingan ni Ogie Diaz

Sa isang panayam, nagbiro si Vice Ganda na ipinaubaya na niya si Cristy Fermin kay Bea Alonzo matapos masangkot ang kolumnista sa isyung legal. “Sagot tayo ni Ate Bea, siya na ang bahala,” aniya. Nagdulot ito ng halong tuwa at intriga sa mga tagasubaybay ng kanilang showbiz exchanges.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate